Simula

34.8K 812 368
                                    

Treating me like an unlimited load, life gave me a burden I couldn't stop myself from carrying.

Although life was expected to be heavy, I never expected it to be this heavy. I was loaded with a ton of bricks behind my back because I was able. I complain about it, but only to the sky. Because the sky listens, it doesn't comment, it doesn't disregard, it just accepts my words as they are. I never tried to tell people my hidden thoughts because I was sure it would bring unsolicited advice and judgmental eyes. The world was cruel, I didn't need to challenge it to know that. As a matter of fact, it's fairly visible in my eyes.

"Ate, 'yong enrollment, bukas na 'yong last day." Sabi ni Chino, ang kapatid kong incoming grade eight.

Kakauwi lang mula sa sariling enrolment sa school, ito ang bumungad sa akin. Ang dalawang kapatid ko ay nanonood ng TV bago lumapit ang isa. Ngayon ay tinatanggal ko ang sapatos ko, at ilalabas na sana ang ulam na binili sa tabing kariderya.

"Magkano ba 'yong down?" tanong ko habang kinakalkal ang wallet.

Alam kong usually nasa eight to ten thousand ang down payment no'ng kay Chino habang 'yong kay Cathrina naman ay five lang dahil grade four pa lang siya, kaya mas mabilis kong nabayaran 'yon. Kaso nagbayad ako kanina ng koryente, kaya nabawasan na naman ang pera. Next week pa dadating ang suweldo ng raket ko... Mukhang kukulangin ako.

Pero wala naman na akong mahihiraman; masiyadong malaki ang interes kung sa tiyahin ko na mula sa Amerika ako hihiram; maraming sabi naman ang ibang kamag-anak kung sa kanila naman ako hihiram ng datung. Wala akong ibang choice kundi ang humanap ng raket kung saan mabilisan ang kita, at isa lang ang naiisip kong gano'n kabilis magbigay ng suweldo—ang tutoring.

Matagal na akong hindi nagtuturo dahil masiyadong kinakain no'n ang oras ko. But I did have regular customers before, and they paid me early. So, iyon lang ang trabaho na makukuhaan ko ng mabilis na datung.

"Nine thousand."

"Sige, i-e-enroll kita bukas."

"Ate, 'tsaka mga school supplies ko, ah?"

"Oo nga pala. Puwedeng sa susunod na linggo na, Chino? Next week pa kasi darating ang suweldo ko, e."

"Sige, Ate, pero... sana makabili ka."

Umalis na ang kapatid ko at bumalik sa panonood ng TV. Saka naman lumapit 'yong bunso kong kapatid sa akin.

They never stop.

I often think about what life I would've had if Papa was still alive and Mama had a regular job. Although it was useless, it was an escape for me, at least for a few minutes or moments like this.

"Ate, ako rin, sabi mo bibilhin mo na 'yong kulang kong libro sa English," Cathrina said to me while pouting. She was the youngest sibling I had, nine na siya.

"Ay! Oo nga, nalimutan ko na 'yong libro..." amin ko sa kapatid, "Ate! Kailangan ko 'yon!" reklamo ni Cathrina.

"Gagawan ko ng paraan, sa Monday pa naman pasok mo, 'di ba? Sa Sunday na lang ako bibili."

"Sunday? Ate, sarado 'yong school tuwing Sunday!"

Mariin akong pumikit at napagtantong tama ang kapatid ko. Pero paano ko naman iyon maisisiksik bukas kung mukhang kukulangin na ako sa pambili pa lang ng school supplies ni Chino?

Ito ang hirap kapag hindi financially stable ang mga magulang mo, e—pati ikaw, mahihirapan.

"Cathrina, wala ng pera si Ate ngayon, next week na lang. Manghiram ka na lang muna sa kaklase mo."

"E! Ang hirap no'n, Ate! Paano kung may sasagutan ako sa book? E 'di, zero ako?"

"Hindi, siguro naman bibigyan ka ng pagkakataon na bumili ng libro ng teacher mo. Siguro... sa papel ka magsasagot, sa papel."

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن