Kapitulo 1

24.1K 506 148
                                    

Pagkatapos kong simulan muli ang pagiging tutor, nakapag-enroll na ako para sa kapatid. Nabilhan ko na rin si Chino ng mga gamit niya para sa escuela. I also had extra money, so ako na ang bumili ng libro ni Cathrina. Pag-uwi ko sa bahay, parehong natutulog ang dalawa kong kapatid sa sala, sa lumang sopa. Naghanda na muna ako ng tanghalian at ginising ang dalawa para kumain.

Silang dalawa lang ang naiiwan sa bahay tuwing may trabaho ako at si Mama. May isip na si Chino, at paulit-ulit namin ni Mama sinasabihan ng mga paalala tuwing aalis dahil siya ang magbabantay kay Cathrina. Hindi naman kailanman sumuway si Chino sa amin ni Mama. Ipinagpapasalamat ko iyon dahil kung mangyaring hindi siya sumunod, baka mapahamak lang silang dalawa. Sinisigurado naman namin ni Mama na may ulam at kanin silang kakainin tuwing aalis kami, e. Kahit na may kaalaman na si Chino sa pagluluto, kung walang nasa likod niyang gumagabay, delikado.

"Ate..." tawag ni Cathrina sa akin habang naghuhugas ako ng aming pinagkainan. "Bakit?"

"May pera ka pa?" kumunot ang noo ko. Nabilhan ko na siya ng libro niya, ah? Ano pa'ng hihilingin niya?

"Bakit mo tinatanong?" inilagay ko sa rack ng mga pinggan ang hinugasan ko. "Gusto ko ng tsitsirya."

"Sinabi ni Mama kahapon na tigilan mo 'yan, ah?" pinunasin ko ang mga basang kamay ko, "Isa lang, 'yong maliit lang! 'Yong ten pesos lang," tumaas ang kilay ko.

"'Yong lumpia?" tumango siya at tinignan ako na para bang nagpapaawa pa. "Isa lang, Cathrina, ha. Pagkatapos, uminom ka ng tubig."

"Oo, Ate!" inabot ko ang wallet ko na nasa taas ng ref—kung saan nakalagay ang iilang de lata—at kumuha ng limang piso.

Inabot ng kapatid ko 'yon at kumaripas sa malapit na sari-sari. Naglinis ako ng bahay bago inutusan si Chino na bumili ng toyo sa malapit na tindahan para sa lulutuin ko mamayang ulam. Adobong kangkong sana para hindi muna magalaw ang hipon, sa susunod na araw na lang 'yon—'pag kasama namin si Mama.

I went in my room and scanned my dirty clothes. Maglaba na rin ba ako ngayon? Pero kaunti pa lang ang mga damit ko, e. Sinilip ko ang kuwarto ng mga kapatid at ina at nakitang kakaunti pa lang din ang damit nila. Sa susunod na linggo na lang siguro, sayang sa sabon.

Here's the life of an average Filipino whose household income is low. We were not poor to the extenet of not having a home, pero palaging kulang ang datung namin.

My mother works for a public agency, she's a J.O., aka Job Order. Mas malala pa raw ang nararanasan ng J.O. sa contractual dahil wala na ngang benepisyo, maliit pa ang sahod. Pero ang ginagawa naman ni Mama, katumbas ng trabaho ng isang regular na empleyado. Madalas ding delayed ang sahod ni Mama, kaya ako nagsimulang magtrabaho no'ng grade eight—dahil kulang kami sa pera. Masiyadong hindi patas ang mundo.

Ang unang trabaho na nakuha ko ay ang paggawa ng projects ng ilang schoolmates at kaklase. Of course, sa kanila manggagaling ang content, ako lang ang magpo-produce. Ang kinikita ko roon, ginagawa kong araw-araw na pang-kain sa bahay. Namamalengke ako tuwing weekends, tapos nagulat pa si Mama no'ng una dahil nagtaka siya—saan ko raw nakuha 'yong pera para makabili? I explained to her my side hustle, and she thanked me for my initiative. 

Matapos no'n, patuloy na umasa sa akin si Mama sa pambili ng pagkain sa palengke at recently, pati sa bayarin sa escuela ng mga kapatid ko.

Isang beses, may nagtanong sa akin bakit sa pribadong paaralan nag-aaral ang mga kapatid ko pati ako gayong hindi naman namin afford talaga. Hindi ko diretsong nasagot iyon, sinabi ko lang na iyon ang gusto ni Papa.

Papa was a firm believer in private schools being superior to public ones. I never knew why. I think it was because he was insecure. Alam namin ni Mama na laki sa hirap si Papa, 'yong tipong kahit asin, inuulam. At, maraming mga kilala si Papa na nanggaling sa pribadong paaralan at umasenso. Marahil kaya niya pinilit ipasok kami ng mga kapatid ko sa pribadong paaralan dahil do'n.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now