Kapitulo 12

10.8K 296 115
                                    

Habang nagtuturo kay Wesley, walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi ang salita ni Cathrina.

Nakakainis.

Mas malala pa sa mura 'yung tama ng salitang 'yon sa 'kin. Iyon ay dahil masyadong sinsero ang pagsasabi ni Cathrina sa 'kin no'n. Ramdam na ramdam ko ang iritasyon sa 'kin ni Cathrina nang sigawan niya ako. Hindi nakatulong ang dalawang stick ng yosi na inubos ko kagabi. Stressed pa rin ako. Binabagabag pa rin ako ng salita na 'yon.

Nang matapos ang session, lumabas ako ng bahay at lalabas na sana ng gate nang tawagin ako ni Chance bigla.

"Why don't you eat dinner first?" umiling ako at lumabas na ng gate nila. Wala sa wisyo ako. Sanay naman na akong sinasabihan ni Cathrina ng ganoon.

Alam ko namang nasaktan siya dahil pinaasa ko siya. Pero hindi ko naman sinasadya. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mahuhuli ang sahod ko kung kailan bayaran na ng escuela? It wasn't like I purposely told my boss to wait before she gave me my salary.

Sinubukan ko naman humiran o umutang, kaso wala pa rin. Lahat naman ginawa ko, ah?

Nang muntik na akong madapa dahil sa isang bagay na nakaharang sa nilalakaran ko, may humawak sa braso ko. Nagising ako mula sa pag-iisip at tinignan ang kumapit sa akin. Si... Chance.

"Salamat... Aalis ka?" tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay niya at inayos ang strap ng bag ko sa balikat. "Hindi, ihahatid kita,"

"Huh?" sambit ko. Wala naman 'yung sasakyan... Lumingon ako sa tabi naming kalye at nakita ang nakatigil na puting Mazda ng kaibigan niya.

"I have been calling you for two minutes, I thought you had earphones. I went down and called you again, but you were still deaf. Muntik ka pang madapa, oh."

Kinamot ko ang ulo ko. "Ahh, pasensya na, may iniisip lang. Sige, tara," naglakad ako papuntang kotse at sumakay.

Tanging ang tunog mula sa radyo ng sasakyan ang maririnig sa loob. Hindi ako nagsasalita, at kahit siya ay hindi nagbubukas ng usapan. Binalingan ko ang mga dinadaanan namin at nakita ang isang batang naglalakad kasama ang kanyang ama.

Sa isipan ko, inuunawa ko pa rin si Cathrina. Maraming dahilan ang ugali niya. Hindi lang naman siya sa akin iritado, kahit kay Chino rin. Si Mama lang ang kanyang nilalambing. Wala na si Papa, wala na siyang ibang matatawag na magulang. Tapos, ngayon ay mahuhuli pa siya sa pagsasagot ng pagsusulit niya dahil sa 'kin. Ako 'yung may kasalanan, oo... Pero hindi ba niya naiisip na si Mama dapat ang sumasagot sa mga gastusin namin dahil... siya ang magulang?

For the first time in a long time, I felt my cheeks getting wet. Tahimik kong pinunasin 'yon. Nung suminghot ako, saka ko narinig ang boses ni Chance.

"I already washed this," inabot niya sa 'kin ang panyo kong ipinahiram noong pawisan siya. Kinuha ko 'yon at ginamit bilang pamunas.

Huminto na ang mga luha ko nang papalapit na kami sa bahay. Nang tumigil ang kotse, bumaba ako at umupo sa sari-sari store. Akala ko magpapaalam na si Chance sa akin para umuwi, pero pinarada niya ang kotse sa tabi at lumabas. Naglahad siya ng yosi sa akin, tinanggap ko 'yon at walang pag-aalinlangang sinindihan.

When I puffed, Chance began to speak.

"Akala ko hindi ka 'yung tipong umiiyak," nilingon ko siya saglit bago isinubo ang cigarette. "You've always looked like rock to me, always unyielding."

Bumuga ako ng maruming hangin at bumili ng alak mula sa sari-sari store. Sumabay sa pagbili si Chance at tahimik kaming tumungga. Marami pang dumaraan sa kalsada na kotse. Marami ring mga bata ang naglalaro o naglalakad sa tabi ng kalsada.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now