Kapitulo 16

11.9K 315 81
                                    

Nang dumating ang Disyembre, mas lalo kong naramdaman ang nararamdaman ni Chance para sa 'kin. Tuwing Sabado ay umuuwi siya sa kanila at hinahatid ako pauwi. Paminsan-minsan, dadalaw siya sa library ng CAS. O kaya naman, pupunta siya sa carinderia at doon kakain ng tanghalian. Ililibre pa ako. Hanggang ngayon, wala siyang sinasabing tungkol sa aming dalawa. Parang ganoon pa rin kami. Parang walang nagbago. Tunog desperada ba... Inakala ko lang nung na... na mayroong magbabago. Kasi hindi ba ganoon 'yon? Kapag umamin ang dalawang tao sa isa't isa, may mangyayari? Parang... ligawan, gano'n?

Pero napagtanto kong hindi pa rin naman ako handa para magkaroon ng boyfriend. Mabuti na rin 'to.

"You still haven't told us who confessed to you."

Right now, nasa isang kwarto kami ng school at nag-pra-practice para sa finals ng PE. Imbis kasi na by group, napagdesisyonan ng buong block na kaming lahat na lang ay iisang grupo na mag-p-perform para bawas ang pagod.

Kinukulit ako ngayon ni Paula tungkol sa tinanong ko sa banat ni Chance noon. Umiinom ng tubig ang iba pati ako nang mapag-usapan ang boyfriend ni Paula at Mitchelle. Tapos, napunta sa akin ang topic dahil nga wala silang alam kung sino ang nagsabi sa akin ng iodine, lithium, copper.

"Wala nga, nabasa ko lang." Palusot ko.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, sadyang gusto ko lang na walang nagkukumento sa feelings ko kay Chance.

"Which book? You still haven't revealed it. Minsan naiisip ko, baka literal na Chemistry book 'yang nabasa mo, e." Ani Paula habang tinatali ang shoelace niya.

"Basta libro, tara na." Inaya ko sila para mag-practice ulit ng steps namin para sa performance. Pintugtog ni Sandra ang background music at nagsimula na kaming gumalaw lahat.

Tatlong oras ang itinagal ng practice namin, muntik pa akong mahuli sa trabaho ko dahil nag-extend bigla ang lahat para raw matapos na at makabisado na ng lahat ang steps. Hindi naman ako makaangal dahil may point silang lahat.

"Isang minuto," ani Carlo nang makita niya ako at balingan ang orasan na nasa dingding. Binaba ko ang bag ko at hinarap na ang mga customers. Muntik na akong ma-late ng isang minuto, tama si Carlo. Kaya naman pawis na pawis ako pagdating, halos takbuhin ko na kasi ang daan.

"Uminom ka muna ng tubig, para kang tumakbo ng limang kilometro ng walang tigil." Kinuha ko ang tubigan ko at uminom. Literal na bumababa 'yung pawis ko sa gilid ng noo ko.

"Kailan sembreak mo, Abi? Pinapatanong ni Tiyang," si Melfred. "Sa 22," tumango siya at pumunta sa kusina.

Pagbalik ni Melfred, kinausap niya ako muli. "Sabi ni Tiyang, balik ka na lang daw kapag pasukan niyo na ulit. Kailan pasukan niyo para sa second sem?"

"January 5," may dumating na isang grupo ng estudyante at bumili, kaya naudlot ang usapan namin ni Melfred.

"Limang tinola," isinulat ko ang orders ng mga estudyante at tinanggap ang bayad. Pagkatapos, hinanap ng mga mata ko si Chance saglit. Wala pa siya... Baka nasa klase.

"Ba't wala 'yung bumabakod sa 'yo ngayon?" pag-usisa ni Carlo habang nag-aayos ng mga lalagyan ng ulam.

Nagbikit-balikat ako sa kanya at tahimik na nagmasid na lang hanggang sa naisipan kong i-chat si Chance.


Me: saan ka?


Pagkatapos magtrabaho, tumungo na ako sa susunod na klase at nagsagot ng quiz. Dumaan ako sa talipapa bago umuwi dahil wala na kaming sibuyas, pagkakaalala ko. Kagabi kasi ay magluluto sana ako ng itlog na may sibuyas at kamatis, pero wala na ngang sibuyas.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें