Kapitulo 27

8.8K 214 47
                                    

Nag-aya si Chance na mag-date kami dahil unang buwan namin bilang magkasintahan dalawang linggo matapos masagasaan si Chino, kaso nasaktuhan na may sakit si Cathrina. Sinabi kong i-reschedule na lang namin, pero hindi nakinig si Chance. Pumunta siya sa amin at nag-alok ng tulong sa pag-aalaga. Pumayag naman ako dahil si Chino ay may pasok at mga kailangan gawin para sa escuela, wala akong ibang mahingian ng tulong para sa pagluluto ng tanghalian.

"The food's ready," nilingon ko si Chance habang pinupunasan ko ng basang bimpo ang noo ni Cathrina. "Sige, kukuha ako, wait lang."

"Don't you want to eat first?" pinagmasdan ko ang natutulog na mukha ng bunso namin. "Siya muna," balik ko.

"You can't take care of her if gutom ka," napilitan akong tignan siya. "Late lang naman, 'tsaka busog pa ako—kumain kasi tayo nung agahan na dinala mo, e."

"That was two hours ago," he pointed out. "E, busog pa ako. Sige na, ikaw na lang ang kumain. Sabayan mo si Chino."

Tumango siya at napilitang bumalik sa kusina dahil sa utos ko. Nagpaulan kasi si Cathrina kasama nung mga kalaro niya kahapon, ayan, sinipon at inubo ngayon. Hindi tuloy siya nakapasok sa escuelahan ngayon, mabuti na lang at mayroong espesyal na kaganapan ngayon sa escuela nila at wala talaga silang pasok.

Nasa trabaho si Mama at nag-iwan ng kaunting datung para sa gamot. Dalawang pirasong Paracetamol na lang kasi ang natira sa bahay, kailangan bumili ulit dahil kailangang hanggang bukas painumin si Cathrina no'n para tuluyan siyang gumaling.

"Ate, pupunta si Vivian ngayon." Pumasok sa kwarto si Chino at pinagmasdan si Cathrina. "Ngayon? Kakain din ba siya rito? Baka mamaya kasi kulanging tayo, hanggang hapunan na natin 'yung ulam na niluto ni Chance."

Binasa ko muli ang bimpo gamit ang tubig mula sa palanggana na nasa lapag. "Hindi, kumain na 'yon, pupunta lang." Tumango ako at pinunasan si Cathrina sa paa.

Simulan nung ma-ospital si Chino, hindi na bumalik sa dati ang estado ng relasyon namin ni Mama. Hindi kami nag-uusap ng kahit anong bagay na labas sa mga kapatid ko. Nagdulot iyon ng matinding pighati sa akin. Pero hindi ako nagpatinag, ayaw ko manumbalik ang nakakapagod na set-up namin sa bahay. Nagsimula na kasi siyang umuwi ng mas maaga para siya na ang magluto ng hapunan. Hindi ko matantya kung anong tumatakbo sa isipan ni Mama. Halatang mayroon pa ring pait sa kanya dahil hindi niya nga ako gaanong pinapansin. Ang pagbabago na naganap sa aming dalawa ay mukhang matagal na mananatili, baka habang buhay. Hindi ko alam.

Pero miss ko na si Mama.

Aaminin kong alam kong posibleng mangyari ito dahil sa ginawa kong panunumbat, pero hindi ko inasahang matagal ang bunga, matagal ang malamig na tratuhan sa isa't isa.

Kung hindi ko nakilala si Chance, pakiramdam ko, patuloy lang akong tatanggap nang tatanggap mula sa pamilya ko ng kung ano ang ibato nila sa akin. I was immobile when it came to myself. Ni wala ako masyadong hilig sa buhay. Wala akong sport, art, at ibang bagay na matatawag kong mahalaga sa akin o kinahuhumalingan ko. Kung isasali sa usapan ang yosi at alak, mayroon. Subalit unti-unti ko nang tinatanggal sa sistema ko ang yosi. Kaya para akong isang clean canvas ngayon, walang kulay at walang kahulugan.

"Mahal,"

But when I turned to Chance as he called me, I realized I was wrong about being so plain, being a plain canvas. I was full of colors right now. I just felt empty for a moment because of my mother and I's fight, but I was not nothing. I was everything I didn't believe I could be.

Courageous, beautiful, and truthful.

And the guy before my eyes proved that.

"Chino and I ate. Can I enter the room to feed Cathrina?" dinala ko ang planggana palabas. "Bakit mo naman pakakainin si Cathrina?"

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now