Kapitulo 19

9.5K 289 45
                                    

Sa bawat araw na pupunta ako sa bahay ng mga Luy, ramdam na ramdam ko ang disgusto ni Mrs. Luy sa presensya ko. Kinakabahan nga ako na baka sisantihin niya ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa bawat Sabado at Linggo na dumarating.

Nung Pebrero na, sinabi ni Chance na nakapasa naman daw siya sa exam. Makakapagpatuloy siya sa sem na ito na hindi na kailangang ulitin ang subject na naibagsak niya. At simula bukas, madalang ko na siyang makikita dahil ospital na ang panibago niyang escuelahan.

"Achi, will you still be my tutor when I'm in grade five?" tanong ni Wesley isang Sabado habang pinagsasagot ko siya ng exam na ginawa ko.

"Depende 'yan sa magulang mo, Bunso." Sagot ko sa bata. "But my Math grade has increased since you taught me again! Wait!"

Bigla siyang lumabas habang hawak ang pencil. Hindi muna tinapos ang exam. Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang report card. Ipinakita niya sa 'kin 'yon at nag-explain pa na dapat daw magpatuloy ako pagtuturo sa kanya.

"Sige nga—bakit ba gusto mong ako ang nagtuturo sa 'yo?" tanong ko habang nilalagay ang report card niya sa la mesa.

"Mama says you're a breadwinner," pinakinggan ko siya habang nagsasalita. "And you're someone who needs help. You're smart enough to teach me, and you need help—so, Mama chose you instead of a tutoring center. I'm glad she did because you really teach well!"

Mabagal ang paglawak ng ngiti ko. Siya at si Chance ay talagang magkapatid. Mga sinsero at malalambing.

"So, can you continue to teach me?" his voice was painfully hopeful. "Gusto ko 'yon, pero parents mo pa rin mag-de-decide no'n, Wes."

"Then, you will be! I can surely tell Mama to hire you still!" nginitian ko siya at sinabihang tapusin ang sinasagutan.

Ang mga simpleng pagkakataon tulad nito ang nagiging pampalubag loob ko sa lahat ng nangyayari. Sa tuwing sasabihan ako ni Chance na magpahinga o kumain, naaalala kong, oo nga pala, mayroong nag-aalala sa akin. Tapos, itong si Wesley naman, palaging malambing. They were two peas in a pod.

Sana hindi ako tanggalin ni Mrs. Luy sa trabaho. Liwanag na ang dalawa niyang anak sa buhay kong madilim. Ayaw ko nang mawala 'yon.

"You just got home?"

Tumawag si Chance sa akin nang sinabi kong nasa bahay na ako. Nasa ospital siya ngayon at tinuturuan ng protocols para sa mga buwan kung saan sila ay mag-aaral at magtratrabaho. May 15 minutes break daw sila, kaya tumawag.

"Oo, magluluto na ako ng hapunan. Ibababa ko muna, ha?"

Umiling siya.

"Bring me with you,"

"Magpahinga ka na lang diya'n, Chance."

"E, wala ka rito, I can't rest."

Nahinto ako sa pag-aayos ng mga notebook dahil sa sinabi niya. Binalingan ko siya at nakita ang malamyos niyang tingin.

"Kulit," bulong ko sa isang kunwari'y iritadong tono. Natawa siya. "Kumain ka na ba?" tanong ko.

"No, later pa 'yung dinner time namin."

"May sandwich ka man lang ba?"

He nodded. Eventually, kinailangan na naming tapusin ang tawag dahil sa pagtawag ng doktor sa kanya.

Sa mga nagdaang araw, dinadalaw ako palagi ng takot. Hindi na ako kailanman kinausap ni Mrs. Luy tungkol kay Chance. Pero hindi rin naman bumalik sa dati ang kanyang pakikitungo. Parang... may paparating na dalubyo at hindi ko malalaman kung kailan 'yon hanggang sa magpakita na mismo sa mga mata ko.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now