Espesiyal na Kapitulo

1.2K 67 36
                                    

Bilang pagtatapos ng seryeng ito at pagpapasalamat ko sa nagbasa, handog ko itong maikling special chapter para sa inyo.

Ito ang buhay nina Chance at Calisse noong second year college si Calisse. It was so fun to write this, I missed them 💛.

Enjoy! Tell me your thoughts on my TG channel, join using the link on my bio, or type 'philo, sofia' to join! You can also tweet your thoughts using the hashtag, #EruditeSeries !

***

Nang magsimula ang unang semestre ng ikalawang taon ko sa kolehiyo, nakaipon ako para makabili ng mas maayos na bag. Kaya, ngayon ay magagamit ko na iyon, ngayong unang araw ng pasukan. Na-excite tuloy ako pumasok. Bilang madalang ako bumili ng gamit na may kamahalan, nakatutuwa na magagamit ko ito ngayon.

"Ingat ka, mahal. You have water and an umbrella with you?" Chance said through our phone call.

Paalis na ako nang tumawag siya, nag-aayos ng baon kong pritong daing at kanin. Ang mga kapatid ko ay wala na, pumasok na escuela.

"Mayro'n, ikaw? Sandali, hindi ba't nasa review center ka na? Wala ka bang ginagawa? Bakit ka tumawag?" sagot ko.

"I took a break to call you. 'Tsaka, I'll eat breakfast," pagrarason ni Chance.

"Hindi ka kumain ng agahan sa bahay n'yo? Alam mo namang magpapagod ka ngayon kaaaral, hindi ka nag-breakfast."

I heard his little laugh on the line while I placed my food in my bag. Sinara ko 'yon at nilipat ang telepono ko sa kabilang tainga para suotin ang bag ko. Pinatay ko na ang ilaw ng bahay at nilapag saglit ang telepono sa sahig bago pindutin ang speaker button. Magsusuot na kasi ako ng sapatos.

"Sorry, I woke up late kanina, e," ani Chance.

"Kain ka," paalala ko sa nobyo ko habang nagsisintas ng sapatos.

Nagrerebyu na si Chance para sa PLE. Ngayon din ang simula niya, next year February siya kukuha ng exam. Habang nagre-review ay hindi muna siya nagtrabaho dahil bukod sa gusto niyang magpahinga sa bahay tuwing after review, gusto rin ng magulang niyang mag-focus siya sa PLE review. 'Tsaka, rest time niya na rin daw 'to. Although, may pressure to pass the exam, he was taking things calmly as they appear in his life.

"I will, you too. Aalis ka na?" tanong niya bago ko hawakan muli ang telepono ko. 

"Oo, ingat ka pauwi, bye," lumabas na ako ng bahay at ni-lock ang pinto.

"Ingat ka rin. I love you, Calisse," malamyos niyang huling salita.

Ngumiti ako at pinatay na ang tawag. Hindi sa bawat pagkakataon, sinasagot ko siya sa pagmamahal niya. Winiwika ko lang 'yon kapag gusto kong malaman niyang siya lang ang kinahuhumalingan ko at kinababaliwan. Pero, siya, talagang sinasabi niya 'yon madalas para hindi raw mawala sa isip kong ako lang ang mahal niya.

Bumiyahe na ako mula Pasig patungong Taft. Ilang beses akong nagpunas ng likod ko dahil sa pawis na patuloy na bumababa sa likod at leeg ko.

Nang makatapak ako sa loob ng campus, dumiretso ako sa unang klase ko. I was 20 minutes early, but it was so I could review what I had read some night ago for this class. I'd never know if the prof I would have for this class was a pop quiz-er. Mabuti na ang handa.

Tahimik akong nagbasa ng notes ko hanggang sa bumukas ang pinto ng classroom. Nagpakita si Paula at ngumiti. She went to sit beside me.

"It was so hot outside, 'buti nakabukas na aircon here," she said as she took out her small battery-powered fan.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon