Kapitulo 3

16.8K 455 120
                                    

Almost a week had passed since I last saw Isko. Nalaman ko kay Wesley ang pangalan ng kapatid niya. Chance.

It was Wednesday today, and I was headed to my Kas, aka history, class. First lesson namin today, at ang sabi-sabi ay mabait daw ang prof na napunta sa block namin, si Mr. Canera. S-in-end niya lang ang syllabus sa amin sa GC, kaya first time namin magkikita ngayon at sinabihan kaming basahin ang ilang pahina ng libro para sa lecture na 'to.

"Nagugutom ako," sabi ni Mitchelle nung umupo na ako. "Hindi ka ba kumain ng lunch?" tanong ko bago ilabas ang notebook at ballpen.

"Kumain naman, but my mother was hurrying me because I had to go to class na. 'yon pala, wala pang prof." She explained. I nodded and took out a sandwich I made at home.

Sa pagtitipid ko, kasama roon ang paminsan-minsang pagbabaon ng tinapay bilang tanghalian. Halos isang daan lang naman kasi ang baon ko. Kapag sumosobra lang sa isang daan, saka ako kakain sa carinderya dahil kung gagastos ako ng 70 habang 100 lang ang pera ko para sa isang lunch meal—baka hindi na ako makauwi.

"How about you? You ate before going here?" tumango na lang ako para hindi na i-explain kung bakit kumakain ako ngayon ng sandwich.

"Kaunti lang din kinain mo?" tumango ko muli since nakatingin siya sa kinakain ko, iniisip sigurong pareho kami.

"Alam mo, ilang araw na ako nagha-hunting ng pogi, wala pa rin." Mitchelle said as I chewed.

"'Yon ang gusto mong makita?" tumango siya at ngumisi. "Sabi ni Paula, marami raw no'n sa College of Pharmacy." Minsan ko na kasing narinig 'yon kay Paula; kahit na hindi ko naman tinanong, sinabi niya.

"Ohh, so siya pala ang source mo, huh?" umiling ako at tumawa naman si Mitchelle. "Sige, mamayang after class, dadaan ako sa college nila."

"Ang layo nila, ah?" sabi ko sa kaniya. Sa kabilang dulo pa kasi ang building ng College of Pharmacy. "I will just act like I'm lost. Tapos, titignan ko if may pogi na tutulong sa akin. Since freshman ako, it's believable na hindi ko pa gaanong kabisado 'yong campus."

She had it all planned out already even though I told her about it only now.

"What if wala?" sinubo ko ang sandwich ko matapos magtanong. "E 'di, I'll go back to our building, tapos sa PolSci department ako maghahanap." Napangisi ako.

"What? I need a crush! Masiyadong busy ang mga med students dito, e, wala pa akong nakikitang pogi from there as well." She put her elbow on her table and let her chin fall on her palm.

"Ikaw? Wala ka pang crush?" umiling ako at uminom ng tubig. "Any guy you find particularly cute?"

Ang unang pumasok sa isip ko ay 'yong Isko dahil... cute nga siya. Pero hindi ko naman siya crush. Tinanong lang ako ni Mitchelle, kaya automatikong nag-isip ang utak ko ng mga taong nakasalamuha ko na. Hindi ko siya gusto o kinahuhumalingan.

"Wow, mayro'n, 'no?!" nilingon ko siya napagtantong hindi pala ako agad nakasagot. "Wala, lumilipad lang isip ko," sabi ko sa kaniya.

"We were literally just talking a second ago, tapos five seconds kang nag-isip—ibig sabihin no'n, mayro'n nga! Sino? Share mo naman!"

Umiling ako sa ka-block. "Wala nga, iniisip ko lang 'yong binasa ko kagabi. Ang dami kasing readings, nalilito na 'yong utak ko."

"Liar mode ka, ha?" hindi na ako nagsalita muli hanggang sa dumating ang professor.

We discussed about the history of history. Sumagot ako ng isang beses nang bigyan kami ng tiyansa ng prof para maglabas ng realizations at natutuhan. Then, I went home to study and prepare dinner. Nagpaturo ulit sa akin si Cathrina ng Science habang si Chino naman, mukhang kaya na ang pag-aaral mag-isa. Noon kasi, siya ang tinuturuan ko sa ilang subjects.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now