Kapitulo 6

13.8K 391 328
                                    

Habang nag-aabang ng jeep papuntang Quiapo, hindi ko na napigilan ang bibig ko sa paggalaw.

"Uuwi ka ng Greenwoods ulit?" tumango si Chance. Sayang 'yung binabayad sa dorm niya... "I need something at home, so I have to go."

"Ano ba 'yon?" he blinked a couple of times before answering me. "A book I need for tomorrow's class," tumango ako at tumingin na sa mga dumaraan na jeep.

"You were eating with your block," aniya. "Pinilit nila ako," I held the paper bag full of take-home food tighter.

"Why don't you want to eat with them?" napalingon ako sa kanya dahil sa tanong. "Gusto ko sanang maagang umuwi para makapag-aral,"

"It sounds like all you ever do is read," hindi ako umimik. "You can relax, you look so tensed. In fact, your personality is very tense."

Tinignan ko siya at tinanguan dahil totoo 'yon. It didn't really sound like an insult. It was just a truthful statement. "Why don't we eat tomorrow? Para ma-relax ka. After you teach Shoti?"

Umiling ako agad. "Why not? You eat with your block mates, why don't you want to eat with me?"

"Walang magluluto sa bahay ng hapunan," dahilan ko. Baka kasi ma-late na naman ng uwi si Mama. Magugutom ang mga kapatid ko.

"Oh, right, you have two siblings." Tumango ako. Siguro sinabi ni Mrs. Luy sa kanya ang tungkol sa pamilya ko. "Then, let's cook food there, para mayroon na rin silang dinner." Sandali ko siyang tinitigan.

"Bakit naman po kayo magluluto sa amin?"

"You said you can't eat with me because you have your siblings waiting, I just gave you a solution for that."

"Hindi mo kailangang magluto para sa mga kapatid ko, ako nang bahala roon. 'Tsaka... baka kung anong isipin ng Mama mo."

He raised a brow. "Why? What would my mother think, iska?" Suminghap ako at hindi siya sinagot. Dumating ang isang jeep at nauna na ako sa kanyang sumakay.

Tumabi sa akin si Chance. Again, he insisted na ililibre niya na lang ako. Hindi ko siya hinayaan at nauna nang magbayad sa driver. Malakas ang tugtog ng jeep, isang kantang kailanman ay hindi ko pa naririnig. Nang makita ko ang isang taong nasa kabilang upuan na kinakanta ang tumutugtog, napagtanto kong baka sikat ang kantang ito.

"Grabe, you really don't want to eat with me, 'no?" nilingon ko si Chance dahil sa bigla niyang pagsasalita. Nabigla ako sa kalapitan niya. Sinisiksik kasi siya nung lalaki na katabi niya.

"Hindi ko sinabi 'yan, ah." I replied. "Actions really speak louder than words, iska." I remained quiet and looked at the jeep's floor.

A few minutes pass before he spoke again. "You really won't let me cook for you? Sabi kaya ni Shoti, masarap ako magluto."

Gusto kong matawa. Para kasing nagtatampo ang tono niya.

Bakit ako natutuwa?

Hanggang sa makauwi ako, hindi ko maalis ang maliit na tuwa dahil sa pag-uusap namin ni Chance. Nawala ang ngiti ko nang makita kong ginagamot ni Chino si Cathrina. Kunot noo akong lumapit sa kanilang dalawa na nakaupo sa sahig.

"Bakit ka mayroong sugat?" nag-aalala kong wika sa bunsong kapatid, "Tumatakbo kasi 'yan kanina sa labas, nakikipaglaro siya, Ate."

"Hindi ka nag-iingat, Cathrina." Kinuha ko ang cotton na mayroong Betadine mula kay Chino at ginamot ang babaeng kapatid. "Hindi ko naman sinasadya, e!"

Aba't sumasagot pa 'tong si Cathrina! Suminghap ako at nilinis ang sugat niya bago lagyan ng lumang gauze na nakalagay sa mga tambak na mga bagay sa kwarto nila. Cathrina was pouting all through out the time I fixed her injury. Pinaghiwa ko naman ng sibuyas at bawang si Chino habang pinapanood kami.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat