Kapitulo 8

13.5K 401 177
                                    

Minsan, nag-t-text sa akin si Chance kung nasa library ba raw ako. Tuwing sasagot ako ng oo, makikita ko na lang siyang paparating sa kung nasaan ako. Dalawang linggo ang itinagal ng akto niyang gano'n hanggang sa hindi ko na napigilan ang bibig ko at natanong ko na siya.

"Bakit hindi ka sa library niyo nag-aaral?" tanong ko nang lumabas kami ng library ng building ko ng sabay. Nilingon niya ako at ngumiti.

"It's sounds like you don't want me in your building's library," kumunot ang noo ko. "Hindi, ah. Tinatanong ko lang kasi mas convenient kung doon ka sa library niyo, para tuwing klase mo na, hindi ka na maglalakad ng malayo, tulad ngayon."

"I just like your library better. Simple reason lang," tinignan ko ang dinadaanan ko at hinayaan siya sa katwiran niya.

Aaminin kong mayroong parte sa aking umaasang... ako ang dahilan ng kanyang pagpunta. Pero bakit niya naman ako gagawing dahilan?

Pero tinatanong niya rin ako kung nasaan ako, e... Hindi ba... sign 'yon?

"Where are you going na?" tanong niya nang makalabas na kaming campus. "Maghahanap ng trabaho,"

Simula nung unang pagyoyosi namin, paunti-unti ay nagbubukas ako sa kanya. Hindi ko inakalang may ibang makikinig sa akin bukod sa kalawakan. Nakuntento na ako sa katahimikan ng langit, pero iba ang pakiramdam na hatid ng pakikinig ni Chance sa akin. Minsan nga ay tumatawag pa siya sa akin ng dis-oras ng gabi kapag nakikita niyang online pa ako. Makikipagkuwentuhan lang ng ilang minuto at sasabihan akong matulog na dahil masamang palaging puyat. Med student nga talaga. Pero nagyoyosi naman. Ang labo naman.

"Why? You're already working as a tutor for Shoti," aniya. "Kailangan ko ng kita, quarterly exams na ng mga kapatid ko."

Sa unang pagsusulit, si Mama ang sumagot ng gastusin. Pero ngayong bumibigat na naman ang mga bayarin, kailangang kumita ulit ako. Kapag na-delay ang sahod ni Mama ulit, hindi na makakapag-exam ang mga kapatid ko. Nasa library lang sila ng school kapag gano'n. Ayaw kong mapahiya sila. Ang kinita ko sa pag-tu-tutor nitong Setyembre ay naubos na ulit dahil nagbayad ako ng kuryente at tubig. Ang pagkain din ay aking kinarga noong sumweldo na ako kay Mrs. Luy.

"But doesn't your Mom have a job?"

"Mayroon, pero palaging delayed 'yon. 'Tsaka, kung hindi ako maghahanap ng trabaho ngayon, kukulangin na naman kami sa datung panigurado."

"Datung?" tinignan ko siya. "Pera ang ibig sabihin no'n," napatango siya sa nalaman.

"Sige, una na ako."

Nagtanong ako sa iba't ibang carinderia kung kailangan ba nila ng tauhan sa mga vacant ko na oras. Madalas ang isinasagot sa akin ay mayroon na raw silang empleyado. Kaya naman nung makarating ako sa ikalimang carinderia ay saglit akong humingi ng grasya mula sa langit.

"Magandang umaga po," bati ko sa matandang babae na naghahain na ngayon ng mga ulam. "Mayroon po ba kayong libreng posisyon? Magtratrabaho po sana ako,"

Nagpakilala ako at binanggit ang mga oras ng vacant ko. Usually ay tanghalian ang mga 'yon, kaya maraming kumakain dito panigurado. Sabi ni aling Rose, ang may-ari ng carinderia, ay sakto at may umalis na isang empleyado niya dahil kinailangang umuwi sa probinsya.

"Pwede naman, Hija. Pero maliit lang ang maibibigay ko dahil hindi ka naman buong araw magtratrabaho. Mga tatlong libo kada buwan lang,"

"Ayos na po 'yon. Salamat po," mabuti at tinanggap ako. Wala akong karanasan sa pagiging kahera, pero binigyan pa rin ako ng trabaho ni aling Rose.

Kinabukasan, ipinakita ko kay aling Rose ang ilang papeles na nagpapatunay ng pagpapakilala ko. Nag-aaral ako, paliwanag ko, kaya hindi ko kayang magtrabaho ng buong araw. Naunawaan naman niya at sinabi pang humahanga siya sa aking determinasyon na maging working-student.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon