Kapitulo 22

9.2K 342 137
                                    

Nagising ako dahil sa katok ni Chino sa pinto ng silid ko. Umahon ako at naramdaman ang pananakit ng likod dahil sa matigas na higaan. Dumadalas na ang pagsakit nito. Bibili ako ng Salonpas mamaya...

Tinatanggal ko pa ang muta ko sa gilid ng mata nang buksan ko ang pinto.

"Happy birthday, Ate!" bati ni Chino sabay yapos sa akin. "Anong oras na?"

"Nine na, Ate. Gising ka na," bumitaw siya at umupo sa sopa. Si Cathrina ay wala sa sala, baka naglalaro na naman sa labas.

Naligo ako at nagbihis bago nagluto ng ulam.

It was my 21st birthday, but only my family knew. My college friends didn't know. They once asked me, but I told them it was a secret. Hindi kasi ako nag-ce-celebrate. My day would usually be mundane during my birthday, so I didn't see why people had to know.

Binalingan ko si Chino. Hindi ko na siya nabilhan ng kahit ano nung hindi ko siya pinayagan sa swimming na gala na sinabi niya. Ngayong linggo darating ang sweldo ko, titignan ko kung may matitira at bibilhan ko siya ng pagkain. Mahilig siya sa waffle, siguro iyon na lang ang dadaanan ko bago umuwi 'pag nakabayad na ako sa kuryente.

"Aalis na ako Chino, ha? Bantayan mo ang bahay at si Cathrina." Nag-thumbs up lang siya at nagtipa sa telepono.

"Cathrina, kumain ka ng tanghalian at hapunan, ha. Nasa la mesa na ang ulam niyo ni Chino," mabilis na tumango ang kapatid ko bago muling tumakbo dahil hinabol siya ng kalaro.

Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung ano ang nag-udyok sa akin para itago ang birthday ko. Basta ang alam ko, noon pa, talagang hindi ko na pinaaalam. Maybe because I had grown to feel neutral on almost everything. So, even if today was a supposed special day, I felt nothing for it.

"Isang chili burger nga,"

Niluto ko ang order ng isang customer. Isa siyang construction worker na nanggaling sa malapit na bagong tinatayo na condominium. Ilan pa ang dumating na tulad niya. Mukhang mga pagod at inaantok.

Sila ang nagtatayo at gumagawa ng plano ng inhinyero na h-in-ire para gumuhit ng condominium, pero sila rin ang may pinakamaliit na sahod. Puro mga contractual lang din-walang benepisyong matatanggap.

Ganito ang real-to-life manifestation ng capitalism. Hindi ko masisisi ang ibang taong mas ginugustong mangibang bansa dahil sino ba naman ang mananatili kung ganitong trabaho ang haharap sa 'yo?

Ang mayayaman ay ang mga bourgeoisie at ang mahihirap, ang proletariat kung aalalahanin ko ang kasaysayan na paulit-ulit nang nangyayari. Nanggaling ang mga terminong ito kay Karl Marx, isang matalinong nilalang na pinag-aralan ko noong first sem. Patuloy na tumataas ang ranggo ng mga bourgoisie kahit na walang paghihirap silang dinaranas sa kanilang mga negosyo. At ang proletariat, tila habang buhay sasakit ang likod.

Pagod, hirap, at gutom ka, pero parang balewala lang iyon sa mga boss mo. Para sa kanila, gawin mo ang trabaho mo, at bibigyan kita ng katiting na sweldo.

Hindi ko rin lubos na kayang magalit sa mga taong nakukulong dahil nagnakaw sila sa isang tindahan ng pagkain. Survival was our way of life. Kung wala ka nang mahingian ng tulong at makasarili ang mga tao... para kang na-corner at wala kang ibang patutunguhan kung hindi mo i-uuntog ang ulo mo sa pader para makakawala. Iyon ang isang bagay na ayaw nating gawin dahil masasaktan tayo, pero wala tayong ibang paraan.

The world was a cruel representation of inequality and injustice wherever you look.

"May kaltas sweldo ko," saad ng isang customer, isa siya sa construction worker. "Bakit? Hindi ka naman um-absent, ah?" sagot ng isang kauupo lang. "Ewan, 'tang ina. Kulang pa ang sweldo, e, halos diya'n na nga ako matulog gabi-gabi."

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now