Kapitulo 13

11.4K 337 153
                                    

Natuwa si Cathrina nang ibigay ko ang bagong baunan sa kanya. Napayakap pa siya sa akin dahil hindi lang daw baunan ang binili ko, pati water bottle. Maliit na ngiti ang mayroon sa mukha ko pagdating sa escuela.

"You look all giddy," ani Paula matapos akong tabihan sa klase. Kaming dalawa ang una rito. "Something good happened?" tumango ako.

"Share!" she urged." Binilhan ko kasi 'yung kapatid ko ng bagong baunan 'tsaka water bottle, ayun, masaya siya." Ngumiti si Paula.

"You're a really nice ate, I'd be lucky if I was your younger sister." Nagbasa na siya sa iPad niya matapos ako kausapin.

Right, parami nang parami ang mga babasahin kada linggo. Parang nauuubos na nga ang pang-unawa ko. Pero kailangan magtuloy-tuloy lang sa pagbabasa, kundi mahuhuli ako sa bawat lecture.

"By the way, want to watch our school play on Saturday night sa UAAP? The most affordable ticket is 80," ani Paula.

"Ayaw ko, hindi ako mahilig sa mga ganyan." She pouted and read again. Suminghap ako. Ganito rin siya noong umayaw ako nung una sa PEP rally na sinasabi niya, e.

"Si Sandra na lang ayain mo o kaya si Mitchelle," bumaling siya sa akin at tumango bago suminghap.

Hindi ko siya matanguan dahil inihahanda ko ang natirang pera ko para sa kung anong kailangan ng pamilya ko. Hindi ako pwedeng basta-bastang gumastos. 'Yung PEP rally na pinuntahan namin, nilibre lang naman ako ni Paula. Kaya naman talagang hindi ko maaayunan ang pag-aya ni Paula ngayon.

Binangga ko ang braso niya gamit ang akin. "Ano, may crush ka na ba?" subok kong pagpapagaan ng hangin. "None, but I met this guy recently."

"Anong program niya?" humarap siya sa akin. "He's actually from DLSU, econ major siya and varsity!" tumango ako at nakinig sa pagkwento niya.

"We have a common friend kasi. Pinakilala kami kasi raw parang match kami, so we had double dates with our common friend."

"Hindi mo pa crush? Hindi ba guwapo?"

"He's good-looking naman, kaso hindi ko vibe."

"Vibe?" parang sa kanta ko lang naririnig ang salita ganyan.

"Not my vibe, as in, I don't like the feels."

Nanatili akong naguguluhan.

"Grabe, are you even Gen Z? Vibe, as in, 'di ko gusto. Or... 'di ko bet, yeah, 'di ko bet."

Vibe, huh...

Nang magsimula ang klase, nagsulat ako sa notebook ko at nakinig. Ngunit lumipad ang isip ko sa gitna ng pagtuturo ng prof; naisip ko kung ano nga ba ang pwedeng magawa para ma-cheer up si Chance...

Bilhan ko kaya siya ng pagkain? Kumakain ba 'yun ng Jollibee?

T-in-ext ko siya pagkatapos ng unang klase ko.


Me: kumakain ka ba ng jollibee?


Hindi siya sumagot, nasa klase o laboratory 'to, panigurado.

After class, I looked at my phone and saw that he didn't reply. The following days, wala pa rin akong natatanggap na sagot. Ano kayang nangyari? Sumasagot naman 'to agad, e. Hindi kaya...

Imbis na mag-overthink, nung magtuturo na ako kay Wesley, bumili ako ng Jollibee. Dahil nakakahiya namang si Chance lang ang bibilhan ko ng pagkain, bumili na lang ako ng isang bucket at isang specifically para kay Chance na pagkain. May natira pa rin naman sa pera... Ilalaan ko na 'yon sa pampalengke.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now