Kapitulo 29

9K 268 82
                                    

Ilang araw matapos ang unang halik namin ni Chance, sinamahan niya na ako roon sa kaibigan niyang kailangan ng tutor. Dala-dala ko ang ilang mga papeles kung kailanganin kahit na sinabi ni Chance na sigurado naman daw siyang pasado na ako.

"Are you nervous?" tanong niya habang nasa tricycle. "Hindi, kung hindi naman ako makukuha, may iba pang trabaho. Baka hindi lang talaga ako ang hinahanap nila." Hinawakan niya ang kamay ko.

"You really don't take things personally madalas, 'no?" napaisip ako. "Oo, neutral ako madalas, pero... pagdating sa 'yo..."

Letting out a grin, he spoke. "That's good. Take everything I do personally because it is personal."

Hindi ko pa muli nakakausap ang magulang niya, pero sinabi niya naman sa aking wala na akong dapat ikabahala tungkol doon. Mas ayos na rin daw sa kanyang hindi ako magtrabaho sa kanila dahil alam niyang mahihirapan ako—ayaw niya no'n.

He told me to just let everything be for now. His parents were disappointed with his desire to do a job other than being a doctor, but Chance still ended up choosing to be a doctor. I didn't say anything about that, I just told him that I would be beside him whatever choice he made.

Inayos ni Chance bigla ang buhok kong tumatama sa ilong ko, kaya pati ang sumbrero'y inayos niya. Ang cap na suot niya noong hinalikan niya ako, binigay niya sa akin dahil mas bagay daw iyon sa akin. Kaya ngayon, suot-suot ko iyon habang nakaputing polo shirt at pantalon.

My siblings' exams were going to happen less than a month from now, so it would be great if I get accepted today. Although I didn't know if I would get my salary first... I'd talk to the employer when we talk about the terms.

Chance was the middleman between his friend's sibling, who was the parent of the kid I'd tutor, and me. Matagal ang naging usapan dahil lubos nila akong kinilala dahil limang buwan ang kontrata nila sa bawat tutor na kinukuha para sa bata. Matapos ang limang buwan, titignan kung maayos ang progress ng tutee at tutor. Kung oo, dagdag limang buwan ang trabaho; kung hindi, papalitan.

"I'll send you a text to let you know if you're the chosen one. There are other tutors who applied pa kasi," saad ng magulang. "Opo, salamat po sa oras."

Chance and I were going to go home, but he asked if we could eat something first. So, we roamed around the village before settling in a local bakeshop that sold brownies, cookies, cakes, and fruit shakes.

"What do you want?" kapag tinatanong niya 'yan, alam kong ililibre niya ako. "Tubig lang 'tsaka choco fudge brownies," umupo ako sa libreng la mesa at hinayaan siyang mag-order.

Ch-in-eck ko ang telepono ko at ang GC ng mga college friends ko dahil nais kong malaman kung kailan pwedeng mag-enlist. Hindi pa kasi naglalabas ng schedule ang school, pero one of these days daw, malalaman na namin.

"Mahal," tumabi rin si Chance sa akin agad matapos kausapin ang empleyado. "Bakit?" hinarap ko siya. "Pareho tayong summer vacation ngayon,"

Tinanggal ko ang maikling buhok na nakita ko sa pisngi niya bago siya nagpatuloy. Pilikmata niya yata. "And I've been wanting to have a staycation."

"Oh, e 'di, mag-staycation ka." Bumaba ang mga mata niya sa aking mga kamay, kaya kinuha ko ang palad niya't hinawakan.

"I want you to come with me," hindi nagbago ang ekpresyon ko. "Wrong timing, Chance. Kailangan kong mag-ipon para sa exams nina Chino at Cathrina, e."

He stretched his lips. "I know, I just tried my luck." Agad kong naramdaman ang awa at guilt sa kanyang winika.

"Sorry, mahal. Masikip talaga schedule ko, pupuntahan naman kita kapag kaya ko, e. 'Yun nga lang, mas mahalaga ang trabaho ko sa ngayon kaysa sa vacation."

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now