Kapitulo 10

13.3K 424 135
                                    

Holding the highlighters Chance bought for me, I began to read quietly in the library. It was Monday again, and we had a quiz tomorrow, so I had to study for it. Sandra and Paula were eating breakfast somewhere, hindi ko na natanong kung saan. Baka sa McDo, madalas kasi roon sila kumakain dahil iyon lang naman ang bukas na gusto nila pareho.

Ilang araw na mula ng kaarawan ni Chance, hindi ko pa siya ulit nakikita. Palagi kong gamit ang ibinigay niyang mga highlighters. Nakatutuwang tignan 'yung pagguhit ko sa libro gamit 'yung bigay niya. Nagtanong nga si Chance tungkol do'n, e. Nagpalusot ako at sinabing binigay lang ng kaibigan kaysa ikwento na si Chance ang nagbigay dahil mangungulit 'yung si Chino. Baka isipin pa no'n, nanliligaw si Chance. Assumero at chismoso si Chino.

"Miss," inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakatungo. Isang maputing babae at magandang babae ang bumungad sa akin.

"Do you know where the OUR is?" tanong niya. Ako ay tumango bilang sagot. "Where?"

"Pagbaba mo ng building na 'to, lumabas ka ng campus, tapos maglakad kaa ng diretso lang. Katapat lang ng OUR 'yung Robinsons Manila. Alam mo ba kung nasaan 'yon?"

"Ahh, okay. Yes, I know. Thank you," umalis na siya at bumalik ako sa pagbabasa. Pero bigla namang may tumabi sa akin, kaya nawala na naman ang pokus ko.

"What did she say?" tanong ni Chance. "Saan daw ba 'yung OUR,"

Tahimik kaming nag-aral ni Chance hanggang sa nagpaalam siyang papasok na siya sa klase. Nang pumatak ng oras ko na klase, umalis na rin ako.

Buong araw, busy ako sa mga lectures, quiz, at trabaho. Habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep—at tinatantya ang sweldo na makukuha ko para sa exams ng mga kapatid—nakita ko si Chance na tahimik na nakaupo sa isang gilid.

He looked... disheartened. Ano kayang... nangyari?

Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Sa sobrang pagkawalang pakialam niya sa paligid, hindi niya ako napasin. Binangga ko na lang ang braso niya gamit ang akin para makuha ang atensyon niya.

"Ano nangyari?" anas ko. Umiling lang si Chance at tumitig muli sa lapag, sa mga bato sa daan.

Nakita ko ang isang sorbetero na naglalako ng ice cream sa labas ng campus. Bibilhan ko si Chance, sampung piso lang naman. Baka sakaling... makapagpagaan ng puso niya.

"Where are you off to?" bigla niyang hinablot ang kamay ko nang tumayo ako. "Bibili ng ice cream,"

"Samahan kita," sinuot niya ang bag niya. "'Wag na, mabilis lang ako."

Mukhang ipipilit niya pa nung una, kaya naglakad na lang ako at bumili ng dalawang pampalamig na pagkain. Pagbalik ko ay inabot ko sa kanya ang ice cream na ube ang flavor.

"Hindi ako masyadong magaling sa words of encouragement, pero makikinig ako kung gusto mong magkwento."

Ganyan lagi ang linya ko sa mga taong malapit o medyo malapit na sa akin. Kay Alarick at sa ibang kaibigan, ganito ako. Kay Sandra at Paula ay nakapagkwento na sa akin dahil doon ako maaasahan. Hindi kasi ako lumaking naririnig ang mga words of wisdom, kumbaga, mula sa mga magulang ko. Mas ipinapakita nila ang suporta at pag-aalaga sa akto kaysa sa salita.

"I failed two quizzes today," malungkot ang boses niya. Katabi niya at kumakain ng ice cream ko, hinayaan ko siyang maglabas ng hinaing.

"I studied so much, but my failed quizzes are punching me right in the core." Nakatingin ng diretso sa harang ng campus sa labas, naramdaman ko ang lungkot niya. May mga beses ding nangyari sa akin 'yan.

"It hurts more because I actually liked the topics of those quizzes. I worked extra hard, tapos... parang wala lang din."

Ilang estudyante ang dumaan sa harap namin bago siya nagpatuloy. "Pwede kong bawiin 'yon sa finals, pero kung ngayon pa lang hirap na ako, paano pa kaya sa finals? Nakakabaliw,"

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now