Kapitulo 26

8.1K 252 110
                                    

Inihatid ako ni Chance gamit ang kotse ng ama niya dahil nakita niya ang pagmamadali sa aking galaw. Nagawa pang isuksok ni Mrs. Luy ang pasta sa bag ko bago kami lumisan.

Bukod sa takot, pagsisisi at panghihinayang ang aking nararamdaman habang bumibiyahe kami ni Chance. But, at the same time, I felt empty. Para bang hindi pa rin lubos na natatanggap ng sistema ko ang nangyayari, tila isang hourglass ako ngayon at kaunting buhangin pa lang ang bumababa.

Sa pananalita ni Mama kanina, halatang iniisip niyang kasalanan ko 'to. Pero... hindi ko naman alam, hindi ko naman ginusto.

"Calisse," tawag ni Chance sa akin. Tumingin ako sa labas, wala pa naman kami sa ospital. "I feel like I already know what you're thinking. And I'm here to disagree."

"My mind is rational, I know I'm not to blame for this. But I also think that I'm part of the reason why Chino is there right now."

When you're scared, your mind really has a way of twirling so much that it would produce contradicting thoughts.

"You could never be the reason, Calisse." Naging berde ang ilaw ng traffic lights, kaya naman nagmaneho na muli si Chance.

Hindi ako makapaniwalang sa ganitong paraan makikilala ni Mama si Chance bilang nobyo ko. Mas lalong hindi magugustuhan ni Mama si Chance para sa akin. At baka pati si Chance, madamay sa galit ni Mama. Mas mabuti siguro kung pauuwiin ko muna 'to.

The only fear in life that I have had since high school was losing anyone close to me, specifically my family. They were always the closest to my heart. I've had enough loss with papa dying, I think I would have a harder time if one of my siblings also get hurt and I couldn't do anything. It would crush me and make my soul wither away.

Because even though they have caused me so much more pain than other people I knew, I would break if they were the ones who get hurt.

"Chance, umuwi ka na." Tinanggal ko ang seatbelt. "No, I will stay here. You need me,"

"Galit ang Mama ko, baka masali ka sa galit niya. Umuwi ka na muna," Chance took my hand and firmly held it as he stared in my eyes.

"Wala akong pakialam, mananatili ako."

Tigas-tigas talaga nito.

"Pwes, huwag kang magagalit sa akin kung masigawan ka ng nanay ko."

"Of course, wait for me, I'll just park."

Bumaba ako at pinanood siyang magmaniobra ng kotse. Sandali akong humingi ng awa sa Diyos. Hindi ako madasalin, pero... sa pagkakataong wala akong ibang magawa, dasal lang ang pinanghahawakan ko. At madalang ang mga pagkakataon na 'yon.

Tumalikod ako at nakita ang napakaraming taong naghihintay sa labas. Wala na sigurong higaan o upuan sa loob ng ospital. Public hospital kasi 'to, kaya... ganito ang estado ng mga tao. Mabuti at nakakuha si Chino ng lugar sa loob...

Pumasok kami ni Chance at dumiretso sa paghahanap kay Chino. Sinubukan ko kasing tawagan si Mama matapos niya akong babaan at sermunan, kaso hindi na siya sumagot. Kaya hindi ko alam kung nadala ba sa isang silid si Chino o hindi.

"Calisse, he's here." Hinila ako ni Chance papunta sa isang banda.

Binuksan niya ang kurtina na puti at nakita ko ang kapatid kong nakahilata at mayroong mga sugat sa braso, hita, at binti. Para akong nanghina sa bawat parte ng katawan dahil sa namataan ko. Lumapit ako at napansing hindi pa nagagamot ang kapatid ko. Bakit wala pang tumutugon sa kanyang mga sugat?!

Si Cathrina ay tahimik na nakamasid sa kuya niya at sa akin. May kung anong emosyon sa kanyang mukha, hindi ko mapinta ang nasa likod no'n.

"Nasaan si Mama?" hindi nakasagot si Cathrina, tinuro niya lang ang isang direksyon. Nilingon ko 'yon at nakita si Mama na nakikipag-usap sa isang nars.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ