Kapitulo 4

13.6K 449 187
                                    

Nung kumakain na ako ng kanin at caldereta sa carinderyang malapit sa school, saka ko lang naalala ang illustration board na pinabibili ni Cathrina. I checked my wallet and saw that I had 40 pesos left. Shit. Hindi na aabot... Pero nangako na ako sa kapatid ko...

Manghihiram na lang ako kay Paula siguro o kay Mitchelle .

"Why so pensive?" my mind was awoken from its thought when I heard someone speak. "Wala," sabi ko kay Sandra.

"You okay? Kaya pa?" she smiled as I nodded. "Okay, kaya mo 'yan! To more readings!" she lifted her fist and winked before sitting down on her chair.

Inabangan ko ang pagdating ni Paula sa pamamagitan ng panonood ng bawat taong pumapasok sa silid. Kaso hanggang sa makarating ang prof namin, wala pa rin siya. Absent...

I only had Mitchelle now... O baka naman sa susunod na klase, papasok si Paula...

My mind drifted to Chance. Buong umaga, bigla na lang siyang lumilitaw sa isipan ko kahit na hindi ko naman gusto. Medyo nakaiinis na nga, e. Para siyang may mind control na ginawa sa akin after nung jeep ride na 'yon.

Tumingin ako sa phone ko at nakita ang text ni Mama.


Mama: anak, bumili ka naman ng bigas bago ka umuwi may pera ka pa naman diba? Ubos na kasi


My mouth opened and quickly thought of what I would do later. Kuwarenta pesos. Bigas at illustration board. Anong aabutin ng 40 pesos?

I closed my phone and closed my eyes as I caressed my forehead. Pinilipit ko na lang munang magpokus sa discussion ngayon dahil alam kong walang magandang madudulot ang pag-aalala habang klase pa. Mag-iisip na lang ako ng paraan after class.

It was moments like this that made me despise our life. The idea that we'd always be lacking in something is so irritating to think about. Pinipilit naman naming pagkasiyahin, pero bakit nagkukulang pa rin? Hindi ba puwedeng kahit isang araw lang, maging sapat 'yong kung anong mayroon?

"Abi, how about you?" nagising ako mula sa pag-iisip dahil sa sinabi ng prof. "Sorry po, pero ano po 'yong tanong?"

"Nasaan ang utak mo, Hija? Kanina pa natin pinag-uusapan ang kahalagahan ng wika natin, tapos ngayon tatanungin mo 'yan? Are you with us?"

"Pasensiya na po," nahihiya kong saad, "Ang tanong ko, sa tingin mo, dapat bang gamiting bilang midyum ang Filipino sa pagtuturo ng Agham at Sipnayan?"

Napaisip ako sa kapatid na lalaki at sa tinuturuan ngayon. "Naniniwala po akong dapat gamitin ang Filipino bilang midyum dahil Filipino ang lingua franca ng bansa. Bukod pa riya'n, halos lagpas sa kalahati ng populasyon ng bansa ay mula sa low-income household—nangangahulugang mas maraming bata ang nag-aaral sa pampublikong paaralam kaysa sa pribado. Base sa sarili kong kaalaman na aking napatunayan dahil mayroon akong kilalang batang lumaki sa pribado at publikong paaralan, nakita kong mas gamit ang Filipino sa publikong paaralan kaysa sa pribado."

Nung grade school kasi, nag-aral ako sa isang public school. Lumipat lang nung nag-high school nang makakuha ako ng scholarship sa escuela ngayon ng dalawa kong kapatid.

"Kung mas ginagamit ang Filipino sa nakararaming paaralan sa bansa, ibig sabihin mas nauunawaan ang Filipino kaysa sa Ingles. Kinalakihan din ng mga Pilipino ang wikang ito, kaya marapat isipin na mas makabubuti siguro kung susubukin na gamitin ang wika natin bilang panturo sa Agham at Sipnayan." Dagdag ko.

My prof then continued to discuss about the topic after I answered. Hours went by pretty quick, parang lalong pinamumukhang kulang ang pera ko. Nung pumatak ang oras ng uwian, lahat ng kaklase ko ay nag-aaya na naman kumain sa labas habang ako ay nag-iisip ng paraan para makauwi, makabili ng bigas, at illustration board.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now