Kapitulo 9

12.7K 442 234
                                    

Kapit ang bag kung saan nakalagay ang mga tests na ginawa ko para kay Wesley at ang tula ko, pinindot ko ang doorbell ng bahay ng Luy family. Inayos ko ang buhok kong medyo basa pa. Nagmadali kasi ako dahil late akong nakatulog kagagawa ng tula.

Pagbukas ng pinto, nagpakita si Kenneth sa akin. Naka-blue siya na cap, puting polo shirt, at itim na shorts.

"I thought you won't come here today?" aniya. "Huh?" tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka.

"Mama told us you won't be here since it's Ahia's birthday," umawang ang bibig ko. Baka nakalimutan ni Mrs. Luy...

"Baka nalimutan ng Mama mo... Sige... Alis na lang ako," pinigilan niya ako. "Abi, don't leave. You're already here, stay and celebrate with us. I'm sure that's what Mama would say as well."

"Hindi na, pribadong araw ito para sa inyo. Una na ako," agap ko. Tumalikod ako at tinahak na ang daan pauwi.

'Yung tula... Ibibigay ko ba? 'Wag na... Hindi rin naman siguro kailangan ni Chance ng papel na may tula bilang regalo... Mas praktikal kung bagay o... iba ang naging regalo ko. Kaso wala akong ibang maisip dahil... wala naman akong datung.

Nung lalabas na ako ng gate ng village ay may tumawag sa akin. Inikot ko ang ulo ko at nakita si Chance na halos tumakbo papunta sa 'kin. Kunot-noo ko siyang tinitigan habang papalapit. Bakit 'to lumabas? Sinabi siguro ni Kenneth na dumating ako at umalis.

"Why are you leaving? My brother already told you that you should stay," umawang ang labi ko. Gusto niya ring manatili ako?

"Dapat naman hindi ako kasama, nalimutan lang ng Mama mo na sabihan ako na... kaarawan mo pala at hindi ako magtuturo ngayon. Bumalik ka na roon,"

"Aren't you going to greet me?" kumiling ang ulo niya. Lumingon ako sa mga bahay na nasa paligid. May ilang bata na nag-bi-bike ngayon sa daan.

"Happy birthday," mahina kong wika. "No gift?" mapanuya niyang saad. Tumigil ako sa paghinga at inisip na mabuti kung ibibigay ko nga ba ang tula ko...

"Actually..." sayang din naman ang gawa ko... Bahala na kung magustuhan niya o hindi.

Kagabi ay may confidence pa ako sa regalo ko, pero ngayong kaharap ang tatanggap ay nagdalawang isip na ako.

Unti-unting lumaki ang mga mata ni Chance habang kinakapa ko ang papel sa aking bag. Nang makuha, saglit kong tinitigan si Chance. Hindi ako makapaniwalang... ginawan ko siya ng tula. Isang lalaki na 23 years old ay makatatanggap ng tula mula sa akin para sa araw ng kapanganakan niya. It was... an unconventional gift but... sincere.

"Happy birthday, Chance. Mamaya mo na... basahin 'yan." sabay abot ko sa kanya ng papel. "You wrote me a letter?" manghang tanong niya.

Kinamot ko ang kilay ko. "Hindi... Ano... Hindi 'yan letter..." akmang bubuksan niya na ang papel nang pigilan ko siya sa pamamaraan ng paghawak sa kamay niya.

"Mamaya na kasi... Malalaman mo rin mamaya..." sambit ko bago mapansing na-distract siya sa paghawak ko. Binitawan ko siya at lalayo na sana nang hablutin niya ang kamay ko.

"Celebrate with me?"

"'Di mo ako kapamilya, 'di naman ako pwedeng sumali bigla sa celebration niyo."

Tinanggal ko ang kamay niya dahil... nararamdaman ko na ang init ng haplos niya masyado.

"Guest, you're my guest." Umiling ako at tinitigan siya. "Kayo lang naman yata ng pamilya mo ang mag-ce-celebrate. Ang weird naman kung bigla akong sumama,"

"Bakit? You're my guest naman." Sinulyapan niya ang kamay ko bago ako nagsalita. "Hindi na nga... Sige na, una na ako."

Again, he holds my hand, this time, more firmly. "Calisse, please?" saglit siyang ngumiti. "Wow, that rhymed!" at ako ay nahawa na sa tuwa niya sa sarili. I smiled.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon