Kapitulo 23

9.1K 272 223
                                    

Chance demanded we celebrate my birthday. And since Friday was the only day I had a long vacant period, he adjusted and studied from Tuesday to Thursday extensively. I thought he wouldn't contact me during those days because he wanted to focus, but he still called during nighttime. Sabi ko nga, dapat matulog na lang siya kaysa tawagan pa ako.

Nang dumating ang Biyernes, ibinulsa ko ang telepono at wallet ko bago sinuot ang sapatos. Nakasuot ako ng isang beige polo shirt at pantalon. Nakalugay ang buhok ko dahil medyo basa pa, mamaya ay itatali ko rin.

Bumalik ako sa kwarto ko at tinignan saglit ang mukha ko. Hindi ko alam kung paano, pero hindi na ako dinadalaw ng pimple masyado. Naglalaho na rin ang mga pimple marks ko. May isang pimple ako sa gilid ng ilong, pero hindi naman halata.

"Chino, aalis muna ako, ah? May ulam na sa la mesa, magsaing ka na lang ng kanin, ha?"

"Saan ka punta, Ate?" binaba niya ang headphones niya sa leeg.

"Sa Kapitolyo, nag-aya kasi si Chance. Hindi naman ako magpapagabi ng sobra,"

"Okay, alam na ni Mama?" tumango ako.

Nag-text ako kanina kay Mama. Wala naman siyang sinabi, hindi ko alam kung talagang wala siyang sagot o hindi niya pa nababasa.

Simula noong paninita niya sa 'kin tungkol kay Chance, hindi naman na siya kailanman nagkumento ulit. Hindi pa pormal na nakikilala ni Mama si Chance. At hindi ko alam kung kailan ko ba dapat ipakilala si Chance. Busy kasi sila pareho palagi... Siguro kapag naka-graduate na lang si Chance.

Sumakay ako ng jeep at nagpunta sa sinabing lugar ni Chance na pagkikitaan namin. Gusto niya sana akong sunduin, pero umangal ako. Papayag lang ako kung kotse niya na talaga 'yung gamit niya. E, ang kotse ng tatay niya ang gagamitin niya. Ang hindi ko na napigilan ay ang kagustuhan niyang ihatid ako pauwi.

Nothing much had changed in our relationship. We still talk and video call. He did start to call me something other than my name on our messages. At first, it irked me because I thought it was cringey. But I started to get used to it. Paano ba naman, bawat message niya sa 'kin, palaging ganoon na ang tawag niya sa 'kin.

Pagdating ko sa Capitol Commons, naglakad ako ng kaunti at pumasok na sa Tim Hortons. Agad ko namang nakita si Chance. Nakasuot siya ng salamin niya at nakatitig sa telepono. Nakasuot siya ng brown shirt at white shorts. At hindi ako magsasawang pagmasdan siyang ganito ka-bare.

"Kanina ka pa?" tanong ko. Mukhang nagulat siya dahil nahulog niya ang phone niya, e. Muntik pang mahulog kung hindi lang mabilis ang mga kamay niya sa pagsagip.

"Sorry, ang focused mo masyado sa phone mo. 'Di mo napansin na dumating na 'ko." He put his phone in his pocket and stood up.

"Come on," hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako kung saan. "Saan mo ba ako dadalhin?"

"Samgyup," nakangiti niyang saad. Sumunod lang ako ng lakad papasok ng Estancia.

Medyo marami ng tao sa loob ng mall pagpasok namin. Malamig at malinaw rito. It was first time going inside. May nakita akong aso na nasa loob. Pwede pala rito? Akala ko sa labas lang dahil nasa labas ang parang park. Ang mga brands ay... mamahalin. Ito 'yung mga brand na pinag-uusapan ng mga block mates ko minsan, e. Tapos, ang mga presyo ay tila abot langit na.

"Do you want to eat here?" napatingin ako kay Chance dahil sa salita niya. "Ayos lang, magkano ba rito?"

"Libre ko," tumagal ang tingin ko sa kanya. "Please?" Suminghap ako at hinayaan siya.

"This way, sir." Saad nung kausap ni Chance kanina na empleyado.

Inupo kami sa pandalawahang table at tinanong kung ano ang orders namin. Si Chance na ang pumili dahil sinabi kong kahit ano ang akin. Matapos um-order, tumayo siya at inusog ang upuan para mas malapit siya sa 'kin.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now