Kapitulo 17

11.4K 354 135
                                    

"Ngiti ka na, come on!" umiling ako at tinakpan lalo ang mukha.

Nandito kami ni Chance ngayon sa bahay nila. Ang pamilya niya ay wala ngayon dahil may mga lakad. Siya, ako, at ang mga maid lang ang nandito. At ngayon ay nangungulit siyang picture-an ako habang kumakain ng ice cream na dinala ko.

"Ayaw ko nga," tinulak ko ang braso niya at natawa siya. "Fine, but will you take a photo with me?" suminghap ako.

"Para sa'n ba 'yan?" tanong ko bago kagatin ang cone. "I just want to have photos with you. I want to have photos of you, but you don't want. So, tayo na lang. Please?"

"'Wag mong i-p-post, ha?" tumango siya. "I don't post that much, and I won't since you told me you don't want to be posted."

Pumayag ako dahil alam kong susundin niya ang sinabi ko. Lumapit siya at inangat ang phone niya bago niya pindutin ang front cam. Lalo siyang tumabi sa akin nang mapansin niyang may espasyo kaming dalawa. Natakot tuloy akong makita kami ng mga maid nila. Baka mamaya isumbong kami sa magulang ni Chance.

Pero hindi naman namin tinatago ni Chance ang tungkol sa panliligaw niya. He actually told his parents, sabi niya. Wala naman daw kumento ang magulang niya. Kaya... siguro okay lang na makita kami ng mga kasambahay na ganito kami kalapit. Pero may parte pa rin sa aking nahihiya. Siguro umaandar ang pagiging pribado ko masyado.

Mula sa pagkakatingin sa lapag ay napilitan akong tignan ang camera dahil hinawakan ni Chance ang baba ko at m-in-ove papunta sa gawi ng kamay niyang hawak ang phone niya.

Chance was smiling and, obviously, waiting for me to smile too. I did.

Tinignan niya ang kuha namin at nagsabi na isa pa raw. Hinayaan ko na lang siya dahil mukhang natutuwa siyang may litrato kaming dalawa.

"I'll send these to you," aniya habang pinagmamasdan ang aming mga litrato.

Pasko ngayon, at nasa bahay si Mama, kaya naman malaya akong nakaalis. Simula nung huling araw ng pasukan ay bumibisita si Chance. Pumapasok siya sa bahay at ilang oras mananatili roon. Mag-uusap kami tungkol sa iba't ibang bagay habang magkasama. Si Cathrina ay nasa labas kapag gano'n, nakikipaglaro sa mga kapitbahay. Si Chino naman ay palaging nasa bahay ng girlfriend niya.

Ngayong araw, ako naman ang pumunta sa kanya dahil gusto ko ring ibigay ang regalo ko sa kanya. Bumili ako ng planner. Tuwing mag-vi-video call kasi kami, napansin kong nagsusulat siya madalas sa isang planner. Bumili na rin ako ng ilang ballpen para sa kanya.

He had a gleeful look when he saw what I bought him. Ang regalo niya sa akin ay relo dahil gusto niya raw makakuha sa akin ng oras balang araw, 'yung tipong ako na raw mismo mag-aaya sa kanyang lumabas. Napaka-specific ng rason niya, pero... napangiti ako no'n. Mas napasaya ako ng dahilan niya kaysa sa mismong regalo, e.

"'Di ba, sa ospital ka na pagbalik ng school?" tumingin siya sa akin at sumagot habang binababa ang phone niya sa coffee table.

"Yeah, kind of nervous about that. I've been in the hospital for junior year, but it's different this time because we're expected to know more and act more. Pero i-g-guide naman kami ng mga doctors."

Tumango ako at tinignan siya mismo sa mga mata niya habang nakukwento siya.

"I'm also nervous about my grades this sem because... I know I didn't do well on some recitations, some quizzes, and one final exam. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa 'kin this acad year. Parang... sobra na akong nahihirapan. Akala ko mas mahihirapan ako sa una."

I let him vent. Siguro gusto niya itong ilabas sa pamilya niya, pero hindi niya magawa. Malapit siya sa pamilya niya, sigurado ako sa ibang mga bagay, nakakapag-share siya. Ito ang natatangi niyang sikreto.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon