Kapitulo 11

12K 318 168
                                    

Hindi ako ang tipong umaasa sa mga ganitong bagay, pero hindi umapila si Chance sa sinabi ng mga kaibigan niya tungkol sa pagpunta sa CAS library.

Anong ibig sabihin no'n?

Nagtuturo ako muli sa bahay ng mga Luy ngayon, at wala si Chance. Mula nung araw na kumain sila sa carideria ng mga kaibigan niya ay hindi ko na ulit siyang nakita.

"Is this right, Achi?" tinignan ko ang solution ni Wesley sa practice exercise namin ngayon tungkol sa multiplication of big numbers.

"Tama, gumagaling ka na, ah?" nahihiyang ngumiti si Wesley sa akin bago nagpatuloy sa pagsasagot. Ang utak ko ay lumipad na naman sa Kuya niya.

Dinadayo ako ni Chance sa library... May kalayuan 'yon sa kanyang college lab building... Madalas na sa laboratories na ang fourth year med students, kaya alam ko sa sarili kong malayo ang nilalakbay niya para makapunta roon. Malayo rin mismo ang library ng med students sa library naming CAS students. From Padre Paura to Pedro Gil, it would be a ten-minute walk. Tapos, halos araw-araw niyang ginagawa ang paglalakad na 'yon noong nakaraang dalawang linggo. At wala naman siyang librong hinanap noong nandoon siya sa library ng college ko.

Dinadayo niya nga ako.

Parang illegal isipin. Kumpyansa ko 'to sa sarili ko. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya 'yon. Dahil lang ba naging malapit kami sa isa't isa?

Sinabi niyang mas gusto niya raw sa library namin, pero it didn't make any sense. It was because his college's library had better amenities, iyon ang sabi-sabi.

So, he really was coming to study with me. To be with me.

"Achi, achi," nagising ako nang paulit-ulit akong tawagin ni Wesley. "Oh?"

"I finished, check it!" I took my red pen from my pencil case and checked his work. Hindi ako nagulat nang ma-perfect ni Wesley ang practice exam.

Sinimulan ko na ang pagtuturo sa kanya tungkol sa pag-multiply kapag mayroon kasamang decimal point. He had a strong enough grip on the lesson, so on the last hour of our session, I gave him a quiz.

Pag-uwi, nagsimula na akong mag-practice para sa PE midterms namin bukas. Individual kasi 'yon, ang finals namin ang group work. Kailangang mapag-combine ko ang steps na itinuro ng prof at sayawin iyon sa loob ng limang minuto. Nakapili na ako ng kantang gagamitin para sa sayaw ko, f-ina-finalize ko na lang 'yung steps ko dahil medyo nalilito ako. Hindi pa naman ako magaling sa ganito...

"Ate, ba't ka sumasayaw?" tanong ni Cathrina nang makita niya ako sa likod ng sopa namin na gumagalaw. "Para sa PE ko," simple kong sagot.

"May PE pa rin sa college?!" gulatang ang mukha niya. "Oo, dalawang taon ako mag-ta-take ng PE class."

Dumating si Chino habang nag-uusap kami ni Cathrina. Alas-sais na, ah? Bakit ngayon lang 'tong si Chino?

"Saan ka galing?" sinundan ko ang kapatid ko hanggang kwarto. "School, Ate." Aniya na para bang napaka-obvious ng sagot, at dapat hindi ko na tinanong.

"Anong oras na, ah? Nauna pa ako sa 'yo, may group work ba kayo, kaya ka na-late?" umiling siya. "Oh, e, bakit ngayon ka lang, Chino?"

Sumagot siya, pero bulong lang ang iyon kaya hindi ko naunawaan. "Ano? Lakasan mo ang boses mo, wala akong marinig," Tinanggal niya ang polo niya at nagsuot ng pambahay na shirt.

"May hinatid," ulit niya ng sagot. Nagtabi ng mga kilay ko. "Sinong hinatid mo? At bakit mo naman hinatid?" patuloy kong pag-uusisa.

Lumabas si Chino sa kwarto at tumungo sa kusina. Uminom siya ng tubig bago ako tinignan. Kita ko ang pag-aalinlangan niyang sumagot sa aking mga tanong, pero nagsalita pa rin.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now