Kabanata 2

33.5K 589 30
                                    

Galit na galit pa rin ako kay Venezio. Dapat nandito sya para bantayan ako pero tatlong araw na syang hindi nagpapakita sa 'kin.

I know he's Assassin at may responsibilidad pa rin sya dapat gampanan bilang isang Servant.

Pero wala sya.

Dapat hindi ako magalit at magsaya na lang pero naiinis talaga ako. Siguro hindi ko lang maasar ang lalaking 'yon.

Wala si Dad at mom dahil nasa work sila. Bored na bored na ako dito sa bahay.

Tumayo ako inayos ang sarili. Tumawag ako sa tatlo para samahan akong mamasyal

We love shopping.

"Ma'am, bilin po ni Sir sa 'kin wag daw po kayong aalis ng bahay," ani ng maid.

Tiningnan ko sya mula ulo hanggan paa.

"At sino ka para pigilan ako? Do you think Ma...Nevermind." nalilimutan ko talaga ang name ng mga maid dito sa bahay.

Wala syang nagawa ng umalis ako. Sinakyan ko ang kotse ko papunta sa bahay nila Fiona.

Bata pa lang ako marunong na talaga ako magdrive.

Last year simula ng magtapos kaming tatlo. May work na rin ang tatlo ako lang ang wala pa dahil hindi ko alam ang kukunin kong trabaho.

Wala rin akong plano, sa 'kin naman lahat mapupunta ang pera nila dad.

Siguro kung mahanap ko na talaga ang para sa 'kin magtratrabaho din ako pero hindi mo na sa ngayon.

"Good morning, Blare!" bati sa 'kin ni Fiona.

"Good morning, too," walang gana kong sagot.

Pinagpalit ko ang pwesto namin. Tamad talaga akong magdrive.

Mas enjoy ko pa kung nanonood lang ako.

Sunod namin dinaanan ang bahay nila Chantel bago ang kay Stacy

Chantel is a softgirl. Fiona is the Classy one.

Stacy is my twin, parehong nagkakasundo ang ugali namin dalawa.

We have the same taste.

Sa Gucci na lang kami nag stop. Mas paborito namin ang Hermes pero mukhang naubusan ng stock.

Sabay kaming pumasok. Ang dalawa namimili ng mga bagong damit at accessories nila.

Kaming dalawa ni Stacy nasa make up kami nagpupunta.

"Anong bagay sa' kin?" tanong ko at pinakita ang tatlong shade na hawak ko.

Kinuha ni Stacy ang pula sa kamay ko.

"Can i have this?"

Umirap ako.

Nakuha na nya wala na akong magagawa. Hindi naman pwedeng makipag agawan pa talaga ako.

Pagkatapos namin magshopping naghanap na kami ng restaurant na pwedeng kainan

We order a lot of food.

"I change my Mind Guys, mas gusto ko talaga ang lalaking mas matanda sa 'kin ng apat or anim na taon," ani ni Fiona.

"Not bad, Fiona. Hindi naman pwedeng mas bata ang magustuhan mo, baka maging sugar mommy ka pa," ani ni Stacy.

Nagtawanan ang tatlo.

Hindi ako makasabay sa usapan nila, nagiging blanko talaga ang utak ko

"Engineer lang naman ang gusto ko. how about you Stacy?" singit ni Chantel.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें