Kabanata 41

14.3K 399 215
                                    

Hindi mawala ang tingin ko sa anak ko, paano nila nagawang itago sa'kin ang lahat? Dalawang taon ako naghirap.

Halos mabaliw na rin ako ng mawala ang anak ko, pinaglalaruan nila akong lahat.

May puso ako. ang hirap para sa katulad ko ang lahat ng nangyari, hindi man lang nila inisip kung ano ba talaga ang mararamdaman ko.

Umupo ako at hinawakan ang kamay ng anak ko, paulit ulit kong hinahalikan habang tumutulo ang luha ko.

Mahigit dalawang taon akong naghintay mahawakan ko lang ang anak ko.

"Sorry, Baby i'm sorry kung wala ako sa tabi mo at hindi kita naalagaan"hinaplos ko ang pisngi nya,  hindi ko man lang naabutan nun gumising sya.

She's still innocent para madamay sa lahat.

Flashback~


"Stella is our daughter"ani nya.

Nanghina ako sa narinig. Muntik na akong bumagsak pero agad nya akong nasalo, inalis ko ang kamay ni Venezio at tinulak sya.

"P-paano nangyari 'yun?"hindi makapaniwalang tanong ko.

Nanginginig na ako sa sobrang kaba ko, tama lahat ng hinala ko.

"Ayokong magalit ka sa'kin kapag nalaman mo ang totoo, kaya mas pinili kong itago na lang sayo"nagbabadya ng pumula ang mata nya.

"V-Venezio, anak ko ang tinago nyo sa'kin, pinagkait mo sa'kin ang anak ko"malakas na sigaw ko.

Galit na galit ako, nababaliw na ako kakaisip kung nasaan ang anak ko tapos malalaman kong na sa kanya pala.

Hahawakan nya sana ang kamay ko ng itago ko sa likod ko.

"Don't touch me, kahit ano pang dahilan yan Venezio, hindi pa rin kita mapapatawad sa ginawa mo"matigas na wika ko.

Nagulat ako ng isang butil ng luha ang pumatak sa mata nya, hindi na lang ako nagpahalata.

"Hindi ko ginustong itago sa'yo ang anak natin, Blare Dalawang taon akong nag tiis wag ka lang malapitan"

"What do you mean?"nagsalubong ang kilay ko.

Huminga sya ng malamin.

Hinintay ko ang sasabihin nya pero hindi man lang sya nagsalita.

"Ang duwag mo, napaka duwag mo Venezio"pinagsasapak ko ang dibdib nya, ang sakit sakit na.

Iisipin ko na lang naman ba lahat dahil kahit isang salita nahihirapan syang sabihin sa'kin.

Ano ba talaga ako para sa kanya?

"Oo, duwag ako,"ani nya nagpatigil sa'kin"Duwag ako dahil pagdating sa'yo sinasakripisyo ko lahat"

Tangin titig lang ang nagawa kong isagot, ano ba talaga ang nalalaman ni Venezio na hindi ko alam?

Gusto kong malaman lahat.

"Sinakripisyo?"

"Pinatay ng daddy mo ang mga magulang ko pero hinayaan ko dahil mahal kita. Tatlong taon ako kinulong ng daddy sa kulungan pero, tang*ina! Paglabas ko, ikaw pa rin ang una kong hinahanap"

Tiklop ang bibig ko.

Tatlong taon na nakulong si Venezio?

Paanong hindi ko alam lahat ng to?

"Sya rin ang utos sa'kin na hiwalayan kita dahil hindi nya ibibigay ang anak natin kapag hindi ko ginagawa ang gusto nya, Blare!,"tinitigan nya ako sa mata"Sabihin mong duwag pa rin ako dahil sinunod ko lahat ng gusto ng daddy mo kahit ang kapalit ni'to ang pagkadurog ko"

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now