Kabanata 7

19.3K 401 139
                                    

Hapon na ng magising ako. Masakit talaga ang likod ko, iba rin talaga kung kahoy ang higaan ginagamit.

Buti na lang hindi na masakit ang unkle ko.

Sinabi sa 'kin ni Carlo na wala daw si Venezio dahil may kukunin daw ito sa  Kanto, mamaya pa ang balik nya.

Kaming tatlo lang tao sa bahay.

Kailangan kong labhan ang damit ko, parang gusto ko pang mag-stay dito hindi sapat ang dalawang araw para malibot ko lahat.

Hindi ko magamit ang phone ko dahil wala naman signal kahit saan ko ilagay.

"Carlo, asan maglalaba?" tanong ko kay Carlo.

Tumayo sya at lumapit sa 'kin.

"Sa batis din po."

"Huh!"

Kung doon din maglalaba at maliligo. Safe ba talaga iyon?.

"Wag kang mag-alala, Young lady, safe ang tubig sa batis, nalulunod ang mga sabon at hindi na bumabalik pa," ani nya.

Tumango ako

"You should Call me, Blare. Wag ng Young lady."

"Sige, Blare."

Kinuha ko ang damit ko.

"Jiana, samahan mo si Blare sa batis, baka maligaw sya," sabi ni Carlo kay Jiana.

"Opo, Kuya." Dali daling tumakbo si Jian papalapit sa 'kin.

Sa likod kami ng bahay dumaan. Hindi ko masyadong matandaan ang daan buti na lang kasama ko si Jiana para tulungan ako.

May palangana akong dala at doon nakalagay ang mga damit ko. May square din na sabon binigay sa 'kin si Carlo para daw sa paglaba.

May mga ibang babae kaming naabutan, naglalaba din sila sabay pisikan ng sabon.

Tumigil sila ng makita ako.

"Dito na lang tayo sa dulo nila,  Ate. Hindi tayo pwede sa tabi nila," sabi ni Jiana.

Sinunod ko naman ang sinabi ng bata.

Nilapag ko ang labahan ko at tinali mo na ang buhok ko.

"Do you know how to laba, Jiana?" tanong ko sa bata.

"Opo naman, Ate. Hindi po ba kayo marunong?" gulat na gulat si Jiana.

Tumawa ako.

"Syempre alam ko." Nakakahiya kung pati ang bata hindi ko kaya.

Pinanood ko ang tatlong naglalaba ng damit, ginaya ko lang ang ginagawa nila sa damit.

Nakakatuwa dahil sobrang bula ng damit ko. Pinaglalaruan ko ang bula.

"Tingnan mo, Jiana! Ang laki ng bubbles." Natutuwa kong sabi at mas lalong pinalaki ang bubbles.

"Ate, naman." Napakamot ng ulo si Jiana.

"Parang ngayon lang nakakita ng bula," narinig kong bulong ng tatlo.

Hindi ko nalang sila pinansin, tinuloy ko na lang ang paglalaba. Nakakatuwa rin pala.

Hindi ko namalayan basa na rin pala ang damit ko.

"Ate, hindi ka matatapos kung hindi mo kukuskusin para maalis ang dumi."

Tiningnan ko ang damit ko, nandoon pa rin ang dumi.

Medyo brown na rin ang tubig.

Nagpalit ako ng bagong tubig.

"Walang panget na ginawa ng diyos," sabi ng babaeng hanggan balikat ang buhok.

Kumunot ang nuo ko.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon