Kabanata 38

13.5K 340 129
                                    

Binuhat ni Venezio ang batang babae.

"Daddy"ani ng batang babae at nagpumilit na makawala sa kanya para makalapit sa'kin.

Gulat na gulat pa rin ako kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Let's go, Stella wag kang makulit"sita ni Venezio dahil muntik ng mahulog ang bata sa sobrang kulit.

Parehong pareho sila ng kulay ng mata, sabihin mong panaginip lang lahat ng to?

Kung hindi ako nagkakamali parang dalawang taon palang ang bata.

Don't tell me? No! Hindi ko naman kamukha ang bata.

"Sorry kung nadumihan ka pa ng anak ko"inabot ni Venezio sa'kin ang panyo.

Tinitigan ko sya ng mata at agad linipat ang tingin sa batang babae.

"Anak mo?"hindi makapaniwalang tanong ni Bryle sa kanya.

"Yes! Aalis na kami, sorry sa istorbo"inabot nya sa'kin ang panyo at naglakad palayo sa'min.

Binalingan ko ng tingin si Bryle, nginitian ko sya.

"Masaya akong malaman nagkaroon na rin sya ng anak"natupad na rin ang isa sa mga pangarap nya.

"Are you sure?"tinaasan nya ako ng kilay.

"Of course, ang ganda ng anak nya"puri ko.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ng makita ang bata? Ngayon ko lang naramdaman ang saya ng puso ko.

Baka masaya lang talaga ako dahil nagkaroon na rin ng kompletong pamilya ang lalaking minahal ko noon.

"I'm tired! Umuwi na tayo"pag aaya ko sa kanya.

Tumango lang sya ng mapansin ang galaw ko, nakakapagod ng araw na'to.

Agad din umuwi si Bryle matapos akong ihatid sa bahay, nagpahinga lang ako sandali at bumaba na rin.

Ang tanda ko na rin para magkulong palagi sa kwarto ko at layuan palagi ang problema.

"Kumusta naman ang lakad nyo kay Bryle?"lumapit si Mom sa'kin at hinalikan ang pisngi ko.

"Okay lang naman"simpleng ani ko.

Tumango sya at inaya akong umupo sa sofa, kasama namin si Dad pero malayo naman ang pinag-iisip.

Binuksan ni Mom ang maliit na box sa harap ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang kwintas at nakasulat pa sa pangalan ko.

Tumalikod ako ng isuot nya sa'kin ang kwintas.

"Thanks, Mom"niyakap ko sya.

Bihira lang ako makatanggap ng gift, kahit birthday ko hindi na ako nagpapabigay, kaya ko naman bilhin lahat.

Hinaplos nya ang likod ko.

"I will do everything to make you happy, honey"she whispered.

I love this girl so much, hindi ako nagsising naging mom ko ang katulad nya.

"Ang sweet nyo, pwede ba akong makisali?"singit ni Dad.

Pareho kaming natawa ni Mom.

"Of course, Xavier"sabi ni Mom.

Lumapit si Dad sa'min at niyakap nya kaming dalawa.

Lilipas pa ang panahon, marami pang mangyayari na hindi ko maaasahan. Sisiguraduhin ko sa panahon iyon, dapat maging handa na rin ako.

Nagpaturo na ako kung paano magluto, kaya ko na rin lutuin lahat ng gusto ko ng hindi inuutos sa iba.

Kapag wala akong ginagawa ako na rin ang nagluluto sa pagkain namin, sumasabay lang ako sa mga maid para may matutunan naman akong bago.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Kde žijí příběhy. Začni objevovat