Kabanata 26

15.2K 348 210
                                    

Nakahanda na rin lahat, papunta na rin kami sa simbahan. Kinakaban ako dahil mararanasan ko na rin ikasal.

Umiiyak pa rin si mom sa bisig ko.

"Dalagang dala ka palang kahapon, anak. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na mag-aasawa ka na." Humigpit ang yakap nya kaya natawa ako.

"Mom, ikakasal lang ako, hindi ako mawawala sa inyo." Nagbitaw sya ng yakap.

Kumuha ako ng panyo at nagpunas sa luha nya.

Naiiyak na rin tuloy ako.

Lumapit sa 'kin si Stacy at fiona, kasama rin si Chantel.

"Ihahatid ka na namin." Presenta nilang tatlo.

Tumango ako bago ngumiti. Sa isang sasakyan sila. Ako naman kasama ang driver sa isang sasakyan.

Tinulungan nila akong dalhin ang gown ko.

Hawak ni Fiona ang laylayan ng gown ko.

"Nauna ka pa sa 'kin." Ngumuso sya. Mas gusto nya talaga sya ang nauunang makasal bago kami.

Tumigil kami sa itim na sasakyan.

Niyakap ko ang tatlo bago pumasok sasakyan. Huminga ako at bago pumikit sandali.

Hawak ko ang boque. Sana lang wala akong pagsisihan sa desisyon ko.

Tiningnan ko ang daan namin dahil hindi pamilyar sa 'kin ang daan tinatahak namin. Tumingin naman ako sa driver.

Nang mapansin nya ang titig ko agad syang umiwas at mas lalong binaba ang suot na sumbrero.

"Kuya, short cut po ba ang dinadaanan natin?" Curious na tanong ko.

Hindi nagsalita ang driver pero tumango naman sya, kaya hindi na ako nagtanong ulit pa.

Bumilis ang tibok ng puso ko, kaunting oras nalang magkakaroon na rin ako ng asawa.

Suminghot ako ng may maamoy akong kakaiba galing sa sasakyan. Parang ang sakit sa ulo.

Inamoy ko ang sarili ko. Mabango naman ako.

"Kuy, ano 'yan? sobrang baho." Tinakpan ko ang ilong ko. Ang sakit talaga sa ulo ang amoy.

Tumingin ulit ako sa driver pero wala talaga syang naririnig.

Nagtataka na ako.

Nanlaki ang mata ko ng alisin nya ang sumbrero. His wearing mask.

"Sinabi ko na sa 'yong hindi ako papayag na maging Wang ang apilyedo mo." Tinigil nya ang sasakyan.

"V-Venezio-" hindi ko natuloy ang sasabihin ng biglang magdilim ang paningin ko, kasabay ng pagbagsak ko.

-

Dahan dahan akong nagmulat ng mata. I'm still wearing my gown.

Bumangon ako at luminga linga sa paligid, sobrang laki ng kama.

Ang pagkakatanda ko, ikakasal ako at bakit ako nandito sa malaking kwarto?

"Wha the hell!" Agad kong natakpan ang bibig ko ng marealized kong si Venezio pala ang dahilan kung hindi natuloy ang kasal ko.

Lumapit ako sa pintuan para buksan pero naka lock at ayaw talaga mabuksan.

"F*ck, Venezio!" Malakas na sigaw ko at sinipa ang pintuan.

Damn!

Sisiguraduhin nya talagang hindi ako makakatakas.

"Open this f*cking door, Venezio!" Pilit kong binubuksan pero ayaw talaga kaya sumuko nalang ako at bumalik ng kama.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now