Kabanata 42

14.8K 348 90
                                    

Ang dami nilang pangako sa anak ko, kapag walang totoo jan, isa isa ko silang sasapakin.

Mayaman naman silang lahat, maniningil na lang ako.

Huminga ako ng malamin ng nasa tapat na ako ng bahay, maraming tawag ang nakatanggap ko galing kay Dad pero hindi ko sinasagot ang tawag nya.

Haharapin ko sya mag-isa. Hindi dapat ako matakot sa kanya pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko dahil sa kanya.

Binuksan ko ang pintuan ng bahay at pumasok na rin, naglakad ako papunta sa living room kung saan palagi nakatambay si Dad kapag wala syang trabaho.

"Saan ka galing Oniria? Ilan beses akong tumawag sayo pero hindi ka sumasagot"tumayo sya at lumapit sa'kin.

Pinanatili ko ang matapang na titig ko sa kanya.

Halos hindi ako kumukurap.

"Bakit ganyan ang tingin mo sa'kin, Oniria?"kumunot ang nuo nya.

Umatras ako para mapalayo sa kanya.

"Stop pretending, dad! na wala kang alam sa pagkawala ng anak ko,"kita ko ang gulat sa mata nya pero napalitan rin agad.

"What are you talking about, Oniria?"namulsa sya sa harap ko.

Pumikit ako sandali, bahala na kung ano man ang mangyari.

"Paano mo nagawa sa'kin lahat ng to, Dad? Buong buhay ko, binigay ko ang tiwala ko sa'yo dahil akala ko magiging sandalan kita sa lahat,"hinintay nya ang susunod kong sasabihin"pero nagkamali ako sa pagkakakilala sa'yo"

"Alam mo na rin ang lahat?"paano nya nagagwang umasta na parang wala lang sa kanya ang lahat.

"Oo, alam kong pinakulong mo si Venezio ng tatlong taon at utusan syang hiwalayan ako, pero alam mo 'yun masakit, Dad? Sarili kong anak nagawa mong ilayo sa'kin"pinipigilan kong wag maluha.

Huminga sya ng malamin.

"Ginawa ko lang 'yun para sa ikabubu-"agad ko syang pinutol.

"Ikabubuti?,"pinipigilan kong wag matawa,"kailangan pa naging mabuti lahat ng desisyon mo sa'kin? Tangin ang sarili mo lang ang iniisip mo"malakas na sigaw ko.

Nagsimula na rin mag bago ang aura nya, kita ko ang pagkuyom ng kamao nya.

"Sarili mo ang iniisip ko Oniria, kaya ko linayo ang anak nyo dahil hindi makakabuti para sa'yo si Venezio"

Huh!

Alam kong ayaw nya kay Venezio para sa'kin pero hindi 'yun sapat na dahilan para ilayo nya ang anak ko.

"Hindi matutuwa ang anak nyo kapag nalaman nyang nakulong pala ang tatay nya"dugtong nya pa.

Ginulo ko ang buhok sa sobrang inis ko.

Naiiyak na ako sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi nyo man lang iniisip ang mararamdama ko, halos mabaliw na ako ng mawala ang anak ko pero pinili nyo pa rin itago ang anak ko, ang sama mo,"sigaw ko"napaka sama ng ugali mo, sana hindi na lang kita naging dadd-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng tumama ang malakas na sampal ni Dad sa kanan pisngi ko.

Napasalampak ako sa sahig.

"Xavier"sigaw ni mom ng makita kami.

Agad syang tumakbo papalapit sa'kin at tinulungan akong tumayo, bumuhos ang luha sa mata ko.

"Hindi ko sinasady-"

Hawak ko ang kanan pisngi ko, mukhang mamaga pa.

"Anong ginawa mo sa anak natin, Xavier?"sigaw ni mom.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now