Kabanata 10

19.2K 370 82
                                    

Tumawa ako ng malakas at tinungga ang Tequila.

"Aron!" bulong ko.

Kaya ayokong maglasing talaga dahil na aalala ko lang ang bwesit na lalaking 'yong. Wala syang ginawa kundi saktan ako.

Oo minahal ko sya ng sobra, mahirap naman talaga magmove kung binigay mo lahat pero sa isang iglap nawala dahil lang manloloko sya.

Bakit may mga lalaki pa rin talagang ang hilig manloloko tapos sasabihin natukso lang?.

Cheating is a choice pero tang ina! kung mahal mo talaga ang isang babae hindi ka magloloko.

Tagos na tagos sa puso ko ang sakit.

Sinubsob ko ang sarili sa sofa.

"I'm still inlove with him!" Bulong ko.

Naramdaman ko ang paglapit ni Venezio sa 'kin.

"Umuwi na tayo," sabi nya.

Tiningala ko sya, hindi ko alam pero si Aron ang nakikita ko ngayon hindi si Venezio.

Tinapik ko ang nuo ko pero nasaktan lang ako.

"Aron!" Sumilay ang ngiti sa labi ko.

Wala syang reaction.

Tinulungan nya akong tumayo pero tinulak ko lang sya.

"Cheater," sigaw ko at pinagtutulak sya. Muntik pa akong matapilok buti na lang nasalo nya agad ako kaya napasubsob ako sa dibdib nya.

"You're drunk, Young lady. Umuwi na tayo," ani nya.

Umirap ako at tiningnan ang tatlo na bagsak na rin

"Pagkatapos mo akong lokohin "hik" sasabihin mong umuwi na tayo, Aron." Mapakla akong natawa.

"What did you say?" nagsalubong ang kilay nya.

"Cheater," bulong ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng mahipitin nya ang bewang ko.

Dikit na dikit na ang katawan namin. Uminit ang pisngi ko.

"Ang panget ng Ex mo tapos iiyakan mo lang. You should move on, Young lady."

Nabalik ako sa realidad.

Sinamaan ko sya ng tingin. Hindi ko naman iiyakan si Aron kung panget sya.

Ang daming  babaeng nagkakandarapa sa kanya, hindi na ako kasali doon. Ayoko ng masaktan ulit pa dahil sa mga salita nyang puro kasinungalingan lang.

"Balang araw mararanasan mo rin magmahal ng isang tao Venezio at sigurado akong gagawin mo ang lahat para sa kanya kahit kapalit nito ang buhay mo." Tinalikuran ko sya.

Pagewang gewang ang lakad ko.

Paglabas ko ng bahay dumiretso na ako papasok sa loob ng sasakyan dahil sa lamig.

Yakap yakap ko ang sarili

Pinanood kong pumasok si Venezio sa sasakyan, inalis nya ang suot na jacket at pinatong sa 'kin.

"Isuot muna masyadong malamig, mukhang aabutan tayo ng ulan." Sumilip sya sa langit.

Sinuot ko ang jacket nya, hindi pa man kami nakakalayo ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabagal ang takbo nya dahil hindi masyado na aaninag ang daan.

Baka maaksident pa kami kapag nagkataon.

"What the f*ck!" Mura nya ng tumigil ang sasakyan.

"What happened?" mabilis na tanong ko.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now