Kabanata 33

17.3K 355 136
                                    

Nagising ako ng maramdaman para bang may humahaplos sa tummy ko, liningon ko si Venezio.

Antok ko pa rin syang tinititigan, umaga palang pero ang hot nya tingan.

He's messy hair and husky voice.

"Masarap ba ang tulog mo?"tanong nya.

Tumango ako at siniksik ang sarili sa kanya.

Ayoko talagang bumangon pero ang sabi ni Doc kailangan kong mag excercise

Niyakap nya ako.

"I like it, when you're doing this Blare"hinalikan nya ang tutok ng buhok ko.

Kahit tamad ay bumangon pa rin ako, i want to drink wine, halos isang buwan na rin akong hindi nakakainom.

Hinahanap talaga ng sikmura ko.

Nagtimpla lang ako ng gatas, ito mo na ang pampalit ko sa wine na gusto ko, baka makasama pa kay Baby.

Lumabas si Venezio ng kwarto, nagsalubong ang kilay ko ng makitang ayos na ayos sya.

"Asan ka pupunta?"i asked.

Ang formal ng suot nya.

"Somewhere"ani nya habang inaayos ang necktie na suot.

"Sa babae mo?"tinaasan ko sya ng kilay.

"What are you talking about Blare? Wala akong babae at wala akong planong mangbabae"lumapit sya sa'kin at hinigpit ang bewang ko.

Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sobrang lapit ng mukha namin, halos magkadikit na rin ang mga labi namin dalawa.

"Ang ganda naman ng gising ko"rinig kong boses ni manang kaya agad ko g naitulak si Venezio.

Nakaramdam naman ako ng hiya, naabutan pa tuloy kami ni manang.

"Hindi kaba kakain bago umalis Zio?"tanong ni manang at mukha na rin naghahanda sa pagluluto.

"Hindi na po manang, aalis na ako"sabi nya at tumingin sa'kin

"Ingat ka"ani ni manang.

Hindi ako nagsalita, ang bigat ng dibdib ko, parang ayaw kong mawala si Venezio sa paningin ko kahit mabilis lang, ganito ba talaga kapag buntis?

"Babalik rin ako mamaya"sabi nya at hinalikan ang nuo ko bago lumabas.

Sinundan ko lang sya ng tingin hanggan sa mawala na sya sa paningin ko, bumaba ang tingin ko sa tummy ko.

"Mabilis lumipas ang panahon Blare, baka hindi mo namalayan malaki na pala ang tyan mo"ani ni manang at kumuha ng sibuyas para hiwain.

"Tama ka po manang"sabi ko.

Tiningnan ko, kung paano magluto si manang ng ulam.

Ang bango ng luto nya, ako na rin ang unang tumikim, sabay na kaming kumain ni manang.

May liit na gym dito sa condo kaya doon na rin ako nag exercise, isang oras lang ang ginawa ko.

Naligo na ako at nag ayos ng sarili ko.

Nakarecieve na rin ako ng message galing kay Stacy, gusto nya daw akong bisitahin pero ang gusto ko magsama kaming apat, wala pa naman si Venezio kaya ako na ang punta sa bahay ni kasama ang dalawa.

Ayaw pa nang dalawa dahil baka daw mapahamak ako sa daan.

Agad nila akong sinalubong ng yakap pagdating ko.

"Galing mo naman Blare, tinakas kalang pagbalik mo, buntis ka na"natatawang ani ni Stacy.

"Congratulations Blare, excited na rin akong makita ang inaanak ko"singit ni  Fiona.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now