Kabanata 40

13.2K 347 267
                                    

"i need to tell you something"

Pareho kaming nakaupo, habang hinihintay na lumabas ang nurse.

May problema ba kaya nahihirapan syang sabihin sa'kin, dapat kanina pa ako umuwi pero nag-aalala ako kay Stella. Kapag nalaman kong okay na rin sya uuwi na talaga ako.

"Ano 'yun?"ani ko at hinihintay ang sasabihin nya.

Pumikit sya sandali, bubuka na sana ang bibig nya ng may babaeng tumawag sa kanya.

"Venezio"tawag ni Miss. Wilson

Sabay kaming tumayo ni Venezio, tapos na rin ang eksena ko.

"Anong nangyari?"alala nyang tanong.

Mukhang hindi sya mapakali.

"Mataas ang lagnat ni Stella, hinihintay lang ang paglabas ng Doctor"pagpapaliwang ni Venezio.

Napasapo sya ng nuo.

"It's my fault, hindi ko naaalagaan ng mabuti ang bata"

Pinapanood ko lang silang dalawa, paano ako magpapaalam sa kanila na aalis na ako?

Baka magtaka pa si Miss. Wilson kung bakit ako ang kasama ng tatay ng anak nya.

"It's not your fault Athena"ani ni Venezio.

Natigil ang usapan ng lumabas ang Doctor, nabaling sa kanya ang tingin namin.

"Bumaba na rin taas ng anak mo Mr. Graves, kailangan nya lang mag stay dito ng ilan araw, Btw! Sinong nanay ng bata?"palipat lipat ang tingin ng Doctor sa'min.

"Me"sagot agad ni Athena.

Ano pa ba aasahan ko? Na hindi anak ni Miss. Wilson si Stella?

Nababaliw ka na Blare kung yan na ang pinag iisip mo.

Nagpaalam na rin umalis ang Doctor, unang pumasok si Athena.

Hindi na dapat ako pumasok dahil wala naman akong karapatan. hinatid ko lamang sila.

Tumalikod ako.

Maglalakad na sana ako paalis ng may kamay na pumigil sa'kin, napatingin ako sa kamay kong hawak ni Venezio.

"What do you want?"kinalas ko ang kamay nya sa kamay ko.

"Stay with me"

"What?"hindi naman yata ako nabibingi.

"Stay with me, Blare"ulit nya pa.

Para akong temang na natatawa.

Paano nya ako inuutasan mag stay sa kanya habang anjan ang nanay ng anak nya?

"Nababaliw ka na ba?"hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa kanya.

Napapansin kong mabuti naman ang pakikitungo nila sa isa't isa.

Hinawakan nya ang kamay ko. Para akong kinukuryente sa haplos nya.

Stop Blare!

"May kailangan kang malaman. hindi ko na kayang itago Blare"

Bakit nya ba ako pinag o-overthink? Ayokong umasa.

"Stella is our-"

Naputol ang sasabihin nya ng malakas na sumigaw si Athena.

"Venezio"agad nya kaming pinaghiwalay ni Venezio.

Pumikit ako sandali.

Ayoko talaga ng nabibitin ako.

"Sorry Miss. Villarreal sa abala, pwede ka ng umuwi"singit ni Athena.

Tumango ako.

Binalik ko ulit ang tingin kay Venezio, nasa baba ang tingin nya.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now