Kabanata 12

17.9K 381 57
                                    

Gusto ko ng pokpokin ang sarili ko, what did i say? I like someone else.

Damn, Blare!

Na sa living room lang ako. Bukod sa magparty wala na akong mapuntahan iba.

Sinilip ko si Venezio sa garden. Hindi nya talaga ako nilalapitan.

Masyadong masakit talaga ang salitang lumabas sa bibig ko, gulong gulo na rin talaga ako noong araw na 'yong kaya hindi ko na napigilan ang bibig ko.

Dalawang linggo na rin ang lumipas hindi pa rin kami nagpapansinan.

Kasalanan ko naman. Aaminin ko.

Tumingin sya sa 'kin kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi dapat ako mahulog sa kanya, hanggat maaga pa pipigilan ko na.

Wala naman kagusto gusto sa katulad nya, papayag kabang mamatay tao ang mapapangasawa mo, Blare? Hindi di 'ba.

Para na akong tanga na kinakausap ang sarili.

Hindi ko na kaya ang init ng nararamdaman ko. Tumayo ako lumabas ng bahay.

Binuksan ko ang gate, kumunot ang nuo ko ng mapatingin sa sasakyan sa labas. Wala naman kaming kapit bahay.

Unti unting umandar ang sasakyan. Nanlaki ang mata ko sa sobrang bilis ng takbo nito.

Gusto kong ihakbang ang paa pero ayaw nitong gumalaw.

Pumikit ako ng malapit na ang sasakyan pero bago pa ako mabangga.

"Blare!" rinig kong tawag nya.

Mabilis nyang hinawakan ang bewang ko, sabay kaming nag pagulong gulong sa daan.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Venezio!" Tatayo na sana ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

"Don't open your eyes, Blare." Nagtaka ako ng lagyan nya ng headphone ang magkabilang tainga ko.

Sinunod ko ang gusto nya. Pinikit ko ang mata ko, sobrang lakas ng music halos wala na akong marinig.

Sa sobrang curious ko hindi ko napigilan ang sarili. Nakita kong bumunot ng baril si Venezio sa likod nya.

Lumingon ako sa likod ko.

"Blare, sabi-" hindi nya natuloy ang sasabihin ng makita kong sumabog na ang sasakyan muntik ng bumangga sa 'kin.

Para akong nawala sa sarili. Nagtalsikan ang ibang parte ng sasakyan.

"May tao sa loob ng sasakyan, Venezio." Tumulo ang luha ko.

Nakita ko si Dad, sya ang dahilan kung bakit sumabog ang sasakyan.

Naunahang nyang bumaril si Venezio.

"They are trying to kill you, Blare." Pagpapaliwanag nya.

Tumayo ako at inalis ang headphone sa tainga ko.

Naglakad ako papalapit kay Dad. Liningon nya ako.

"Blare, buti na lang nailigtas ka ni Venezio," sabi nya na para bang walang nangyari.

Mataas pa rin ang apoy ng sasakyan, napatakip ako ng bibig ng makita ko ang kamay ng isang tao sa sasakyan. Punong puno ng dugo ang kamay. Sinubukan nyang gumalaw pero hindi na rin kinaya kaya nawala na rin ng lakas.

Nagkaroon ulit ng malaking pagsabog ang sasakyan. Agad akong dinapa ni Dad.

Ginawa nyang pang harang ang katawan nya para hindi ako tamaan ng tumatalsik.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now