Kabanata 48

14.4K 319 176
                                    

Hindi pa rin kaya ni Dad igalaw ang katawan nya, ayaw rin ni mom na bumalik sya sa pagtratrabaho dahil kakagaling nya lang sa hospital.

Kailangan kong pumalit sa trabaho nya. Nandito ako ngayon sa opisina at tambak ang documents na kailangan kong pirmahan.

Ganito ba talaga ang ginagawa ng mayor? Ilan araw pa bago gagaling si Dad, wala akong choice kung hindi magtrabaho.

"Ma'am, may gusto ba kayong inumin?"tanong ng secretary ni Dad.

Hinilot ko ang ulo ko, pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa sobrang daming trabaho.

"Matcha latte,"sabi ko at pinagpapatuloy ang pagbabasa ng documents.

Pagkaalis ng secretary sinandal ko ang sarili ko.

Akala ko doon lang matatapos ang trabaho ko pero kinabukasan mas lalo pang dumami ang tambak na trabaho.

Binigay ko lang ang pera sa secretary at sila na rin ang bahala na bumili ng ng pagkain para ibigay sa mga tao.

Kapag may problema ang mga tao at nagrereklamo sa'kin din sila pumupunta. Wala akong alam sa ganito buti na lang maaasahan din ang mga staff dito sa office.

Ang sarap na magdabog sa dami ng trabaho.

Hindi ko na rin naabutan gising ang anak ko tuwing umuuwi ako ng bahay. Sinusundo rin ako ni Venezio pero hindi kami nakakapag-usap dahil bigla akong kinakain ng antok.

He want to help me, pero ako na rin ang tumatanggi dahil may trabaho pa rin sya.

Bumukas ang pintuan, hindi na ako lumingon. Sanay na ako kapag pumapasok si Amanda, ang secretary ni Dad.

"Mas maganda siguro kung ikaw po ang magbibigay ng pagkain sa mga tao"ani nya.

Binitawan ko ang ballpen na hawak ko. Nagcross arms ako sa harap nya.

"Sa tingin mo ba may oras pa ako jan? Ang daming tambak na documents sa harap ko, Amanda. Sabihin muna lang sa kanila na busy ako"ani ko.

Nagsalubong ang kilay ko ng makitang hindi pa rin sya umaalis sa harap ko.

"Gusto nilang magpasalamat sa inyo ng personalan, Miss. Villarreal"

I bite my lower lips.

"Busy nga ako,"malakas na sigaw ko sa sobrang inis ko, hindi ko alam kung bakit hindi nya ako maintindihan.

Naagaw ng pansin namin ng bumukas ang pintuan, pumasok si Venezio.

"Sir"

Sinandal ko ang sarili.

Lumabas na rin ang secretary, sumasakit na talaga ang ulo ko.

I miss Stella.

"What happened, Baby?"lumapit si Venezio sa tabi ko.

Tumayo ako at linampasan sya para umupo sa sofa.

"I'm so tired, hindi ko na rin nakakausap ang anak ko"bakit kasi ang tagal ni Dad gumaling?

Sinundan nya ako at umupo sa tabi ko.

"Ako na lang ang pupunta bukas-"

"May trabaho ka"agad na protesta ko.

"Kailangan ng mga tao ang daddy mo, hindi naman pwedeng mga tauhan lang ang pwedeng pumunta"ani nya

Tumango ako.

"Then, pupunta ako"

"Are you sure?"paninigurado nya.

"Yeah!"Sinandal ko ang ulo sa balikat nya.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now