Kabanata 35

14.8K 302 131
                                    

Napakuyom ako ng kamao, parang hindi ko na talaga kaya, sobrang sakit.

"Ahhhhhh"malakas na sigaw ko at kumapit sa kama

"Kaunting iri pa, lalabas na rin ang bata"sabi ng Doctor.

Pawis na pawis ang katawan ko, humawak ang kamay ni Venezio sa kamay ko.

Lalaki talaga ang unang magpapanganak sa'kin pero agad tumanggi si Venezio, iniiri ko na ang bata natuto pang magselos.

Mamatay na ako sa sa'kit.

Masakit na nga nong pinasok ni Venezio, masakit rin pala kapag lumabas na.

Hindi ko inaakala na ganito pala kasakit kapag nanganak ka.

"H-hindi ko na kaya"wala akong lakas para umiri

"Kunting tiis pa Blare, lalabas na rin ang anak natin"hindi lang naman ako ang pinagpapawisan, si Venezio rin.

Hindi na sya mapakali.

Kanina pa sya paikog ikot at hininhintay ang paglabas ng bata.

"Isa pa"ani ng Doctor.

"Ahhhh"binagsak ko ang katawan ko, hingal na hingal na talaga ako.

"Lumabas na rin ang ulo"tuwang sabi ng Doctor, tinitigan nya ako at senensyahan umiri ulit.

Lumakas ang pagkakapit ko sa kamay ni Venezio.

"Blare! Kunting kunti nalang"pagpupursige ni Venezio, hinalikan nya ang palad ko.

"Iri pa"

"Ahhhh"gusto ko ng ipikit ang mata at matulog nalang sa sobrang pagod ko.

"Lumabas na ang bata"sabi ng Doctor at binuhat ang baby namin.

Nakahinga naman ako ng maluwag, agad tumayo si Venezio pero laking gulat ko nalang ng bigla syang matumba.

Magsasalita sana ako ng hindi ko nagawa ng biglang kainin ng dilim ang paningin ko.

-

Unti unti akong nagmulat ng mata, parang ang sakit ng liwanag sa paningin ko, hindi ko alam pero mahina ang katawan ko.

Kumunot ang nuo ko ng makitang katabi ko si Mom.

Hinigpit nya ang paghawak sa kamay ko at umiiyak sa harap ko.

"Mom?"nagtataka ako, kung bakit umiiyak sya sa harap ko.

"Blare"agad nya akong niyakap.

Ang baby ko? Asan si Venezio? Bakit sya ang kasama ko?

Bumitaw sya ng yakap at hindi makatingin ng mabuti sa'kin.

"Nasan ang anak ko?"tanong ko.

Umiwas sya ng tingin.

Bakit parang ang sama ng kutob ko?

May nangyayari bang masama na hindi ko alam? Bakit wala sa tabi ko ang anak ko?

"Mom"ang lakas ng kutob ko.

Nanginginig sya.

"Mom asan ang anak ko?"malakas na sigaw ko.

"Blare"niyakap nya ako para pigilan ako sa pagwawala.

Bumukas ang pintuan, naagaw iyon ng pansin namin.

Nabuyahan ako ng makita si Venezio pero agad rin nawala ng makitang mugtong mugto ang mata nito.

Bumitaw si Mom ng yakap at hinayaan lumapit si Venezio sa tabi ko.

Tumingin sya sa'kin bago hinawakan ang kamay ko.

"Asan ang anak natin?"mahina kong tanong.

Huminga sya ng malalim.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now