Kabanata 22

14.9K 323 185
                                    

Wala akong maisip gawin, pati pagpasok ko ng opisina hindi ko ginawa. I'm planning to resign na rin naman.

Gusto ko nalang mag paint at ibenta lahat ng gawa ko. Maghahanap ako ng trabahong 'yong gusto ko talaga at alam kong hindi ko pagsasawaan.

Magkikita kami ngayon ni Stacy sa sobrang busy namin bihira lang kami magkita. Babalik balik si Stacy and fiona sa paris.

Mukhang nauna lang umuwi si Stacy kay Fiona.

Nagkita kami ni Stacy sa Moa, agad nya akong niyakap.

"I miss you, girl! Hanggan ngayon bading ka pa rin." Hinigpit nya ang pagyakap sa 'kin.

"You too!" Walang gana kong sagot.

Bumitaw sya ng yakap at nag-aya na rin pumasok dahil mainit sa labas. Kumain mo na kami dahil nakakagutom sunod naman pumasok kami sa mga damit at naghanap ng bagong make up.

Kaunting gastos lang ang ginawa ko

Tahimik lang ako. Ang daming pumapasok sa isip ko at gusto ko iyon sabihin pero hindi ko kayang gawin.

Pagkatapos ng nangyari sa cebu wala akong binanggit tungkol sa nangyari sa 'kin. Ang pinagtataka ko paano nagkakilala si Chantel at Venezio? Alam ni Venezio na kaibigan ko si Chantel, pero hindi ko alam kay Chantel kung naalala nya ba si Venezio dahil nagkita naman ang dalawa noon at kasama pa ako.

"Blare!" Winawagayway ni Stacy ang kamay malapit sa mukha ko.

"What are you doing?" kunot nuo kong tanong.

Inirapan nya ako.

"Kanina ka pa tulala, girl, para akong tanga na nakikipag usap sa babaeng malayo ang isip."

"Sorry! May iniisip lang talaga ako." Tumango na lamang sya.

Sobrang tagal namin ni Stacy dito sa Moa. Iniwan ko mo na sya at pumasok sa washroom.

I want to pee.

Naghilamos ako ng mukha at nagpahid ng powder sa mukha ko para hindi halata na umiyak ako kahapon.

Buti nalang at hindi pansin ni Stacy na mugto ang mata ko.

Lumabas ako ng makatanggap ng tawag galing kay Bryle, nasa tagaytagay ang lalaking 'to.

Tinapat ko sa tainga ang cellphone ko.

"Anong kailangan mo sa 'kin, Bryle? "tanong ko. Biglaan naman talaga ang tawag nya.

"Balita ko hindi ka pumasok ng trabaho mo. Namiss mo ba ako kaya hindi ka pumasok?" mukhang nang aasar pa.

"What are you talking about, Bryle? ang kapal naman mukha mo para mag assume." Tumigil ako sa paglalakad.

"I'm just kidding, masyado kang seryoso, Blare-" hindi ko magawan makinig ng makita ko si Venezio.

Malalim ang titig nya habang naglalakad papalapit sa 'kin. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"V-venezio!" bulong ko.

Palapit sya ng palapit.

Umasa ako at yayakapin nya ako at sasabihin. "Miss na miss na kita, Blare."

Pero nawala lahat ng bigla nya lang akong lampasan na para bang hindi ako nakita, dahan dahan ko syang liningon sa likod. Tuloy tuloy lamang ang lakad nya.

Paano mo kayang umasta na hindi mo ako kilala? Ganun na ba lahat? Kakalimutan na lang ako at para bang wala kaming pinagsamahan.

Siguro sapat na rin ang lahat. Matagal ng wala ang lahat. Tapos na kami. Hindi na ako magtataka kung hindi sya galit sa pamilya ko.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now