Kabanata 43

13.1K 297 76
                                    

Magkaibang kwarto kami ng pinagtutulugan, minsan kay Stella ako tumatabi para makasama sya.

Nakatambay ako sa balcony, tulog pa rin si Stella at wala naman si Venezio dahil maaga syang umalis.

Nagbasa lang ako ng libro habang umiinom ng wine, dito talaga ako sa labas para hindi makita ni Stella.

Naging hobby ko na talaga ang pagbabasa ko, kaya hindi ko na talaga mabitawan.

Narinig ko ang boses ni Stella. Binaba ko ang binabasa kong libro at pumunta sa kwarto ng anak ko.

"What happened, Baby?"umupo ako at pinagpantay ang tingin namin

May luha pa sa mata nya.

"Hmmm... Where's d-daddy?"sumilip sya sa likod ko.

Mas nasanay talaga sya na si Venezio ang kasama nya kumpara sa'kin, gusto naman nya ako pero ganun sa pagkagusto kay Venezio.

"May pinuntahan lang ang daddy mo, babalik rin sya mamaya,"pagpapaliwanag ko at hinaplos ang pisngi nya.

Inaya ko syang lumabas ng kwarto nya, pinagluto ko na rin ng makakain nya.

Kadalasan ako na rin ang nagluluto kapag late na rin umuuwi si Venezio sa condo.

Kay Athena nya iniiwan si Stella kapag pumapasok sya sa trabaho kaya nasanay lang talaga ang bata na si Athena ang tinatawag nyang mommy.

"T-thank you, M-mommy"sabi nya at hinalikan ang pisngi ko.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko.

Pagkatapos nyang kumain. sabay na rin kami naligo, tuwang tuwa ako ng paglaruan ni Stella ang skin care ko, nabuhos pa ang iba.

"Mommy, Look"tinuro nya ang pisngi nyang may itim na mask na nakalagay.

"You're so pretty, Stella"puri ko.

Pumalakpak sya sa sobrang tuwa. Kakagaling nya lang pala sa hospital at bawal pa sya magbabad ng matagal sa tubig.

Ginawa kong couple ang suot namin, pareho kaming naka brown na hoddie.

Hindi naman ngayon mainit kaya pwede kaming magsuot ng hoddie kahit sa labas pa.

Ilan sandali pa dumating na rin si Venezio, palipat lipat ang tingin nya sa'min dalawa.

Napalunok sya.

"Daddy"tawag ni Stella ng makitang ang daddy nya. Tumakbo sya papalapit at agad nagpabuhat.

Wala syang nagawa kung hindi buhatin ang anak nya.

"You're so cute, Stella"kinurot nya ang pisngi ng anak nya.

Liningon nya ako, naghihintay ako ng papuri pero wala akong narinig.

Ang sarap magdabog, nag effort kaya ako sa hoddie namin ni Stella tapos hindi ako nakatanggap ng papuri.

"Lalabas tayo ngayon"sabi nya lang.

"Talaga?"tuwang tuwa kong tanong.

Dalawang araw na akong hindi nakakalabas dito sa condo, kung hindi ko lang kasama ang anak ko, sobrang boring.

Saktong pagtalikod ko ng marinig kong may sinabi sya.

"Don't change your cloths"pahabol nya.

Sumilay ang ngiti sa labi ko, i'm not planning to change my cloths, ang cute kaya, may teddy bear pa sa gitna.

Hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta, ang sarap lang magrelax ngayon.

Agad bumaba si Stella pagdating namin. tuwang tuwa nyang kinuha ang balloon. Walang nagawa si Venezio kung hindi bayaran lahat ng kinukuha ng anak nya.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt