Kabanata 15

17.1K 357 21
                                    

Gulong gulo ako kakaisip kung may gusto ba talaga si Venezio sa 'kin o wala. Ayoko rin isipin na meron dahil ayaw kong umasa.

Wala si Venezio sa bahay kaya nagkaroon ako ng chance na takasan sya, pumunta ako ng bahay ni Stacy.

"Anong plano mo, Blare? Ilan araw mo na kaming hindi tinatawagan." Pinaningkitan nya ako ng mata.

Matapos pumunta ng pamilya ko dito hindi ako nagkaroon ng chance na kausapin sila. Inubos ko ang oras ko para pakisamahan sila.

Pagdating kay Levi hindi pa rin talaga kami magkakabati. Dikit na dikit sya kay Venezio. Hindi nya ba alam ang salitang distansya?

"We should drink some Tequila, Stacy. Ang panget ng araw ko ngayon." Umupo ako sa kama nya.

"Sure pero isasama ba natin si Chantel at Fiona?" tanong nya.

"Busy sila kaya nga ako sayo pumunta. f*ck! Ang hirap umasa." Lumakas ang pagkakahawak ko sa unan.

"Blare, wag 'yan." Inagaw nya sa 'kin ang unan. Paborito nya nga pala ang sisirain ko.

"Sorry!" Dinapa ko ang sarili sa kama.

"I feel something fishy. "Ngumisi sya. "Inlove ka ba?"

Umupo ako at inayos ang sarili.

"Inlove? Hindi na ulit ako maiinlove, Stacy. Pareho lang naman silang manloloko," pero niloloko ko lang ang sarili ko.

"Pero bakit umaasta kang Inlove ka, Blare? Kilala kita, hindi mo ako kayang pagtaguan."

Huminga ako ng malalim

"Inlove ba talaga ako? I don't know, Stacy." Naguguluhan talaga ako.

"At sino naman yan lalaking nagpapabaliw sa 'yo, Blare?" nagcross arms sya at hinihintay ang sagot ko.

"Sasabihin ko na lang kapag sigurado na talaga ako, Stacy."

Hinawakan nya ang kamay ko.

"Choose the right man, Blare. Ayokong masaktan ka ulit dahil lang nagloko ulit ang lalaking pinili mo." Nginitian nya ako.

Hindi ko naman nakikita kay Venezio ang pagiging cheater, kahit ang paghawak ng cellphone bihira lang nya gawin.

Napaka seryoso nyang tao.

9 p.m ng umalis kami at pumunta ng Bar. Nag-order lang ako ng isang tequila.

Halos wala ka ng marinig sa lakas ng tugtog, marami na rin nagsasayaw sa dance floor.

Tinungga ko ang isang basong Tequila. Gusto kong maglasing ngayon. Wala na akong pake alam kung ano man ang mangyari sa 'kin ngayon gabi.

Iniwan ako ni Stacy dahil  sumayaw sya sa dance floor kasama ang lalaking hindi ko naman kilala.

May biglang tumabi sa 'kin. Umusog ako dahil sa pagdikit nya.

"Hi, mukhang wala kang kasama." He smirked.

Naglakbay ang kamay nya sa balikat ko.

"Don't touch me!" Inis kong inalis ang kamay nya sa balikat ko.

"Sorry! Sasamahan lang naman kitang uminom o gusto mong sumayaw tayo sa dance floor." Pag aaya nya.

Tiningnan ko ang mga taong nagsasayaw. Halos siksikan na

"Sumayaw ka na lang mag-isa. Iinom lang ako," ani ko at nagsalin ulit sa baso ko.

"Uminom na lang tayo kung ayaw mo talagang sumayaw."

Hindi ko na lang sya pinansin. Amoy alak na rin talaga sya.

Naramdam ko ulit ang kamay nya sa bewang ko. Liningon ko sya at sinamaan ng tingin

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now