Kabanata 5

22.4K 410 168
                                    

Wala talaga akong tiwala sa lalaking iyon kahit kailan. Kakaiba talaga ang kinikilos sya.

Gabi gabi ko syang nakikitang lumalabas ng bahay. Hindi ko naman alam kung saan sya nagpupunta

Naglakad lakad ako. Wala akong planong sabayan sya sa kotse. I hate him.

Napatigil ako sa paglalakad ng may makitang batang namumulot ng pagkain sa basura.

Nang mapansin ako ng bata agad syang lumapit sa 'kin.

No!

"Ate, pahingi naman ng pagkain, gutom na gutom na ako." Hinimas himas nya ang tyan nya.

Sinuri ko ang kabuan ng bata. Sobrang dungis ng mukha nya at punit na punit ang damit.

"Wala ka bang pamilya kaya ka namumulot ka na lang ng pagkain?" tanong ko.

Umiling ang bata.

"Wala po, matagal na po silang wala," sabi nya.

Tumango ako.

Wala akong cash na dala o pagkain. Tumingin tingin ako sa paligid, saktong may nakita akong jollibee.

"Jan ka muna, may bibilhin lang ako," sabi ko.

Tumango ang bata.

Iniwan ko sya at pumasok ng jollibee. Nag-order lang ako ng food, buti na lang wala masyadong tao kaya mabilis kong nakuha ang food.

Pagbalik ko nagtaka ako dahil wala na ang bata kung saan ko sya iniwan.

"Bata!" tawag ko.

Luminga linga ako sa paligid.

"Ate, tulong!" narinig kong sigaw ng batang lalaki.

Bumagsak ang hawak kong jollibee ng makita kong pilit syang pinapasok ng dalawang lalaki sa loob ng sasakyan

"Bata!" sigaw ko at tumakbo papalapit.

"Bitawan nyo sya!" sigaw ko at nakipag agawan.

"Miss, wag ka na maki alam," sabi ng naka itim na lalaki.

"Ate, tulong! "umiiyak na ang bata.

"Bitawan nyo sabi sya!" kukunin ko na sana ang bata ng bigla akong itulak ng lalaki kaya nadapa ako.

Ramdam ko ang hapdi sa pwetan ko.

"Ate, tulong!"

Nanlaki ang mata ko ng tuluyan ng naipasok ng isang lalaki ang bata pero agad akong napapikit ng may marinig akong putok ng baril.

"Oh my god!" napatakip ako ng labi ng makitang tinamaan sa braso ang lalaki.

"Putang ina!" lumabas ang kasama nya at lumapit sa 'kin.

Tinayo nya ako at hinawakan ang braso ko. Mabilis nyang tinapat sa leeg ko ang hawak nyang kutsilyo.

Napalunok ako kung gaano katulis ang bagay sa leeg ko.

"Please, kuya! Don't kill me." Pagmamakaawa ko.

Nasa harap namin si Venezio. Wala man lang syang reaction.

"Put your things down," he said with cold voice.

"Bitawan mo ang hawak mo, kung ayaw mong ituloy ko ang kutsilyo sa babaeng ito." Ramdam ko ang matulis na kutsilyo sa leeg ko.

Ang baho ng hininga nya. Ilan beses ba magsipilyo ang lalaking ito?.

"Ate!" tawag ng batang lalaki.

Humakbang paatras ang lalaki at dinala nya ako.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now