Kabanata 23

14.4K 333 141
                                    

Pinaglaruan ko ang hawak kong baso. Palinga linga ako sa paligid para libangin ang sarili ko.

"I'm sorry, Blare! Akala ko talaga Tito mo si Venezio noon." Akmang hahawakan nya ang kamay ko pero mabilis akong umiwas.

Hindi ako nagsalita.

"Magalit ka na sa 'kin, Blare. Pero hindi ko kayang pigilan ang sarili kong hindi mahulog sa kanya," ani nya.

Liningon ko sya at ngumiti.

"You don't have to say Sorry, Chantel. Hindi naging kami ni Venezio at wala kaming relasyon. Bahala kayo kung gusto nyo magsama ngayon." Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Bakit ang kaibigan ko pa? Sa dami ng babae. Bakit si Chantel pa?.

Hinaplos nya ang kamay ko, sinundan ko ng tingin

"Salamat, Blare! Natatakot lang talaga ako na magalit ka sa 'kin kaya hindi ko sinabi ang totoo." Hinaplos nya ang kamay ko.

"Bakit naman ako magagalit? Ano ka ba. Naging magkaibigan lang kami at hanggan doon lang 'yong." Biglang lumapit si Chantel at mahigpit akong niyakap.

Dahan dahan kong hinaplos ang likod nya.

"Napaka swerte ko sa kanya, Blare. Wala na akong makitang lalaking katulad nya." Ramdam ko ang saya sa bawat salita nya.

Lumayo ako ng yakap at mabilis tumayo. Inayos ko ang sarili ko.

"Babalik lang ako sa kwarto, may gagawin pa kami." Pagsisinungaling ko. Gusto ko lang talaga na lumayo sa kanya.

I can't handle my emotion.

Hindi ko alam pero pagdating sa love palagi na lang ako talo. Kailan ba ako mananalo?

Tumango sya bilang sagot. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad.

Palapit si Venezio sa 'min. Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang lakad ko.

Dumiretso na ako sa elevator at binuhos ang iyak ko. Huling beses na iiyak ako. Hindi na ako papayag na palagi na lang ako iiyak dahil sa lintik na pagmamahal nayan.

Pagbukas ng elevator lumabas na ako at pumasok ng kwarto ko, tiningnan ko ang sarili sa salamin.

Nilagyan ko ng powder ang mukha ko para hindi halata na umiyak ako.

Nagtimpla ako ng kape. Binuhos ko ang sarili sa pagbabasa pero walang pumasok sa utak ko kaya tinigil ko na lang.

Ang ganda ko tapos iiyak lang ako sa lalaki. Hindi pwede, Blare.

Lumabas ako at pumunta ng kwarto ni Bryle, agad kong binuksan. Nakita ko syang naghuhubad ng damit.

Nanlaki ang mata nya ng makita ako kaya agad syang kumuha ng kumot at binalot sa katawan nya.

"Blare, paulit ulit kong sinasabi sa 'yo na kumatok ka mo na bago pumasok." Kumuha sya ng T-shirt at sinuot 'yon.

Nilapag nya sa tabi ang kumot. Hindi ko pinansin ang sinabi nya.

"Gutom na ako." Narinig ko ang pagkulo nya tyan ko. Tumawa si Bryle.

"Bumaba na tayo para makakain ka na rin. May meeting kami ngayon ni Chantel."

"What?" liningon ko sya.

"She's your friend, Blare. May nakakagulat ba sa sinabi ko?" naglakad sya papalapit sa 'kin.

Agad akong umiling. Tumango sya bilang sagot.

Sabay kaming lumabas pero ang hindi ko inaasahan ng maabutan namin sa elevator ang dalawa.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon