Kabanata 4

23.7K 402 94
                                    

"Sino sya?" tanong ni Fiona at palipat lipat ang tingin sa 'min ni Venezio.

Tumingin ako kay Venezio. Tinaasan nya lang ako ng kilay at nagpapahiwatig na sabihin ko ang totoo.

I can't. Pagtatawanan lang nila ako kapag nalaman kumuha pa ng body guard si Dad para bantayan ako.

"He's my Uncle," sagot ko.

"What?" sabay sabi ng dalawa.

Napalunok ako ng bigla kong maramdaman ang kamay ni Venezio sa legs ko.

Tinapik ko ang kamay nya.

"Hindi ko alam na nandito sya, nakita ko lang sya sa labas kaya inaya kong pumasok na. Sabihin nyo lang sa 'kin if hindi kayo maging Comfortable sa kanya." Ngumiti ako.

Nilapag ni Stacy ang cocktail sa kay Venezio.

"Hindi ko alam na may Tito ka pala, Blare, sa tagal natin mag kaibigan ngayon mo lang sinabi sa 'min."

Kukunin sana ni Venezio ang cocktail ng pigilan ko ang kamay nya.

"Hindi sya pwedeng uminom, Stacy. Madali syang malasing," sabi ko.

Pinaningkitan ko ng mata si Venezio pero wala lang iyon sa kanya. Kinuha nya ang cocktail at tinungga lahat.

Napakurap kurap ako ng ilapag nya ang basong walang laman.

"Venezio!" sigaw ko sa pangalan nya.

"What?" bulong nya.

Nagtaka ang dalawa dahil sa inasta ko.

Nginitian ko sila.

"Baka kasi mahirapan ako kapag nalasing sya," pagdadahilan ko.

Tumango ang dalawa.

"Let's drink, guys! hindi naman masama kung may kasama tayo if hindi naman nalalayo sa atin," sabi ni Fiona

Nag order ulit kami ng drinks. Pinanood lang kami ni Venezio na umiinom.

Sunod naman kami.

Hindi naman nya ako pinipigilan.

Ramdam ko na rin ang pag ikot ng mundo ko.

"Hindi pa rin talaga sya nagbabago," bulong ko.

Lasing na rin yata ako dahil hind ko na alam kung ano pa ang pinagsasabi ko.

"Boys are boys, kapag nakakita ng mas sexy ipagpapalit ka agad." Malakas na binagsak ni Stacy ang baso.

Tumawa kaming tatlo

"F*ck them all!" sumandal si Fiona at sinusubukan ipikit ang mata.

Hindi na ako magmamahal ulit pa, sapat na ang isang beses na masaktan ako dahil sa lalaki.

Sobrang hirap talaga. Nilubos ko ang tiwala ko sa isang lalaki ang ending niloko pa rin ako

Bakit ganoon hindi na lang sila makuntento sa isa?.

Tinuro ko si Venezio.

"Ilan... Babae ang... pinaiyak mo?" tinuro ko ang dibdib nya.

Mapula na rin siguro ang pisngi ko.

"Wala pa," sagot nya.

Kumunot ang nuo ko.

"Liar.... Manloloko kayong mga lalaki," sabi ko.

"Nagmahal ka lang ng manloloko, Young lady. Hindi mo pwedeng sabihin manloloko ang isang tao dahil lang nasaktan ka," sabi nya.

Sinamaan ko sya ng tingin.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now