Kabanaba 16

17.5K 393 72
                                    

Kahit umupo lang naman ako ramdam ko pa rin ang pagod ko.

Pagdating namin agad na kami sinundo ng mga tauhan ni Dad. Sumakay ako at sinandal ang sarili.

Na sa front seat umupo si Venezio kasama ang driver.

Pinikit ko ang mata ko. Nagmulat lang ako ng tumigil na rin ang sasakyan sa harap ng malaking bahay.

Binuksan ni Venezio ang pinto ng sasakyan kaya bumaba na rin ako. Nakakamiss din pala ang simoy ng hangin dito sa Cebu.

Kinuha nya ang mga gamit sa likod ng sasakyan. Nauna akong pumasok. May maid din na nag aalaga sa bahay namin para hindi magkaroon ng alikabok ang mga gamit.

Pagpasok ko sinalubong ako ng dalawang maid.

"Maligayang pagbabalik, Young lady," bati nilang dalawa.

Hindi ako nagsalita at nilampasan silang dalawa. Sinuri ko ng mabuti kung naalagaan ba talaga ang bahay habang sila lang ang nakatira.

Lumapit ako sa vase na nakasisplay. Hinaplos ko 'yong gamit ang isang daliri ko.

Ngumiti ako ng makitang wala akong nakuhang alikabok.

Liningon ko ang dalawa.

"Buti naman inaalagaan nyo rin ang bahay, maasahan din pala kayo."

Yumuko ang dalawa.

Pumasok si Venezio kaya naagaw ko iyon ng pansin.

"Asan ang kwarto mo? Dadalhin ko doon." Mukhang nabibigatan na rin sya dahil dalawang maleta ang hawak nya at isang malaking bag.

"Tulungan ko na po kayo." Presenta ni Cynthia.

Binigay naman ni Venezio sa kanya ang maliit na bag.

"Salamat," ani ni Venezio.

Umirap ako.

Tinalikuran ko sila at pumunta ng kwarto ko,l. Magkalapit na naman ang kwarto namin ni Venezio.

Binuksan ko ang kwarto ko gamit ang susing hawak ko. Linibot ko ang tingin.

Kulay Beige ang kulay ng kwarto ko dahil 'yun ang gusto ko.

Wala naman masyadong gamit dahil matagal na rin naman simula ng tumira kami dito. Dinala ko na rin sa Manila.

Naglakad ako palapit sa kama ko, ganoon pa rin ang design. Ayoko na rin palitan.

Pumasok si Venezio dala ang dalawang maleta ko, kasunod nya si Cynthia.

"Iwan nyo na jan. Ako na mag aayos." Alam ko naman paano ayusin ang gamit ko.

Mayaman ako pero alam ko rin kung paano ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko na'yong aasa sa iba.

Lumabas si Cynthia. Naiwan naman si Venezio. Lumapit sya sa 'kin kaya nagtaka ako.

"Wag mo akong hanapin mamaya. May pupuntahan ako." Ang husky ng boses nya.

"Sino naman ang nagsabing hahanapin kita?" nagcross arms ako sa harap nya.

Mas lalo syang lumapit kaya napaatras ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"V-Venezio, ano ba? " Tinulak ko sya pero wala lang iyon sa lakas nya.

"Naninigurado lang ako, Young lady. Baka kasi hanapin mo ako." Tumingin sya sa labi ko.

Agad kong tinakpan ang bibig ko. Ayokong mangyari ulit ang ginawa ko sa kanya.

'Yun paraan ng halik ko sa kanya.

Ngumisi sya at tinalikuran ako.

"Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ako, agad kitang pupuntahan," sabi nya bago tuluyan lumabas.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now