Kabanata 3

26.9K 519 56
                                    

Wala na akong magawa dito sa bahay. Bibili na talaga ako ng sarili kong condo kahit saan ako pupunta walang titingin sa 'kin. Hindi dito sa bahay ako na lang palagi ang tinitingnan ng mga tao kahit ang maid namin.

"Ma'am, nandito na po ang meryenda nyo." Nilapag ni Mariel ang cookies at orange juice ko.

"Alam ko," hindi naman ako bulag para hindi makitang nilapag nya ang meryenda ko.

"Umalis ka na. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan na ako sayo."

Tumango sya at umalis ng kwarto ko.

Kinain ko lang ang meryenda ko. Ang weird ng lasa pero nag effort pa rin sila sa pag gawa kaya kinain ko na lang. Ayokong saktan sila dahil lang hindi ko gusto ang pagkain.

Tumayo ako.

Naghubad ako ng suot kong T-shirt.

"F*ck!," narinig kong mura ng isang lalaki.

"Oh my god!" agad kong pinulot ang kumot ko at binalot sa katawan ko.

Sh*t! Buti na lang damit ko pa ang nahuhubad ko. Damn! Venezio.

"Sinabi ko sayong wag kang papasok ng kwarto ko." Sobrang sama ng titig ko sa kanya.

Liningon nya ako.

Mas lalong nag init ang dugo ko ng bumaba ang tingin nya sa suot ko.

"Wala naman akong nakita bukod sa pader, Young lady." Umatras sya dahil sa sobrang lapit ko.

Hindi ako mamatay tao pero pwede na ngayon.

"Get out, Venezio!" Malakas na sigaw ko.

Kasing pula na siguro ng kamatis ang buong mukha ko.

He smirked.

"Sa susunod, Young lady, ituro mo sa'kin kung saan ang exactly na pader baka kasi mali ang mabangga ko."

Huminga ako ng malalim.

Tumalikod sya at agad naglakad palabas ng kwarto ko.

Naghanap lang ako ng bagong masusuot na damit ngayon. Pumunta ako ng living room pero wala akong maabutan tao.

"Manang asan sila daddy?" tanong ko kay manang ng lumapit sya sa'kin.

"Nasa opisina, Nak. kumain ka muna baka nagugutom ka na." Ani ni manang.

Tumanggi ako

"Busog pa ako, manang. mamaya na lang. Mauna na kayo," sabi ko.

"Sabihin mo lang sa'kin kung gutom ka na, ihahanda ko ang pagkain mo."

Tumango lamang ako.

Umalis si manang. Kakain na rin siguro sila kasama ang ibang maid.

Pito ang maid namin dito sa bahay. Hindi na kasali si manang dahil pamilya na ang turing namin sa kanya. Simula bata pa lang ako sya lang ang nag alaga sa'kin dahil palaging wala si mom and dad.

Mukhang balak ni dad na tumakbong mayor sa susunod na taon, hindi ako supportado sa gusto nya lalo't ang daming kalaban pagdating sa politics.

Isang linggo na akong hindi lumalabas ng bahay.

Naka receive ako ng message galing kay Stacy.

Stacy: punta tayo ng bar mamayang gabi. Hindi makakasama si Chantel dahil nasa ibang bansa sya

Blare: Let's meet before 9

Mukhang kailangan kong tumakas mamayang gabi, tapos na rin ang duty ni Venezio kapag gabi na.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now