Kabanata 47

14K 371 154
                                    

Dali dali akong pumasok kung saan naka confine si Dad. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko.

"B-Blare"tawag nya sa'kin ng makita ako.

Tumula ang luha ko. Ramdam ko ang saya sa puso ko, ilan araw akong naghintay magising lamang sya.

Naglakad ako papalapit.

Kita ko ang pagtulo ng luha sa mata nya.

"I-i'm sorry"mahina lang ang boses ni'to pero sapat na para marinig ko.

Lumayo ng kaunti si Mom.

"Dad!"niyakap ko sya habang hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko."i'm sorry for everything,"naging suwail din akong anak sa sobrang tigas ng ulo ko.

Hinaplos nya ang likod ko.

"Ako dapat ang humingi ng tawad sa inyo"binitawan nya ako.

Lumayo ako ng kaunti dahil baka nabibigatan na rin sya sa'kin.

"Sorry, kung hindi ako naging mabuting ama sa'yo. Patawad kung mas pinili ko ang tinatakbo ng utak ko"

Niyakap ko sya ulit. May karapatan akong magalit pero hindi ko paabutin habang buhay. Kung wala sya, wala rin ako dito sa mundo.

-

Naghiwa ako ng prutas para kay Dad. Ang sabi naman ng Doctor pwede na rin syang kumain, kailangan din kasi syang magpalakas pa.

Linapag ni Mom ang lugaw sa tabi ko.

Tinulungan nya rin umupo ng maayos si Dad.

"Kumusta ang apo ko?,"napaangat ang tingin ko dahil sa tanong nya.

"She's fine,"tinitigan ko sya

"Gusto ko ng makita ang apo ko, sorry kung linayo ko sya sa'yo, Blare"

Ngumiti na lamang ako.

Tumawag na ako kay Venezio na papuntahin dito si Stella, siguro naman ako na hindi na uulitin ni Dad ang ginawa nya noon sa anak ko.

"Kailan nyo balak magpakasal?"

Aabot ko na sana ang prutas pero hindi ko natuloy dahil sa tanong nya.

"What do you mean, Dad?"kumunot ang nuo ko.

He sighed.

"May sarili na kayong anak. Baka gusto nyong dalawa pa ang anak nyo, bago kayo magpakasal"he smirked.

Uminit ang pisngi ko.

Wala pa kaming napag-uusapan ni Venezio, hindi rin naman kami engaged.

Hindi ko alam kung anong relasyon namin ngayon ni Venezio.

"Wag natin yan pag-usapan, Dad"hindi na ako makatingin ng mabuti"wala kaming relasyon ni Venezio"bulong ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Dad na pumatong sa kamay ko.

"Mahal na mahal nyo pa rin ang isa't isa, sapat na siguro 'yun para magpakasal na kayo"

"Dad!"suway ko.

"Gawin nyo na, kung anong gusto nyong gawin"ani nya.

Umirap ako.

Inabot ko na lang ang prutas sa kanya.

Hindi ako nag expect na ganito ang sasabihin sa'kin ni Dad, hindi ko rin alam kung handa na ba talaga akong magpakasal. Siguro dati, oo pero ngayon ewan ko.

Lumabas mo na ako para makapag-usap sila ni Mom.

Wala naman akong ginagawa kaya naisipan kong pumunta ng bahay namin.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now