Kabanata 46

14.1K 309 139
                                    

Pakiramdam ko sasabog na ako sa inis, wala akong phone dahil kinuha ni Venezio para hindi ko macontact sila kuya Part.

Hindi ko rin naman uulitin ang ginagawa ko, pero wala syang tiwala sa'kin, dahil baka daw sa kulungan pa mamatay ang dalawa.

Sinalampak ko ang sarili sa sofa, tatlong araw na ang lumipas hindi pa rin gumigising si Dad. Si mom muna ngayon ang nagbabantay sa kanya.

Kinuha ko ang laptop para e trace kung saan tinago ni Venezio ang phone ko pero mukhang pinatay nya.

Damn! Akala ko matino ka na talaga.

Pinatay ko ang laptop ko sa sobrang inis ko. Kapag bumili naman ako, wala rin akong contact sa kanila.

Na pa-angat ang tingin ko ng bumukas ang pintuan, nabuhayan ako ng makita si Venezio.

Agad akong tumayo at linahad ang kanan palad ko.

Bumagsak ang kamay ko ng lampasan nya lamang ako at kumuha ng isang basong tubig.

"My phone"lumapit ulit ako at linahad ang palad ko.

"Why?"tinaasan nya ako ng kilay.

Huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili ko.

"Ibalik mo sa'kin ang phone ko, ang daming importante dun"nagdabog ako sa sobrang inis ko.

Akmang lalampasan nya ulit ako ng humarang na ako sa harap nya.

"Ayaw mo bang kunin-"mabilis akong gumilid kahit hindi pa 'nya natatapos ang sasabihin.

Sinundan ko sya ng tingin ng pumasok sya sa kwarto, pagbalik nya, dala nya rin ang phone ko.

Kukunin ko na sana ng bigla nyang itago sa likod nya.

"Venezio"malakas na tawag ko sa pangalan nya.

He smirked.

"Makukuha mo lang to, kapag-"tumaas ang kilay ko para hintayin ang susunod nyang sasabihin.

"Ano?"naiirita ko ng ani.

Pasimple nyang tinuro ang labi nya, hindi ko alam kung maiinis ako o pipigilan ko ang ngiti ko.

Para syang bata sa ginagawa nya.

Pumikit ako at dahan dahan pinaglapit ang labi namin dalawa.

Nanlaki ang mata ko ng hapitin nya ang bewang ko, at mabilis sinakop ang labi ko. Hindi ako nakagalaw sa ginawa nya.

Pinasok nya ang dila sa loob ng labi ko.

Nang marealized ko ang ginawa nya, tinulak ko na sya agad.

F*ck! Alam nya talaga kung paano ako mawala sa sarili.

Inagaw ko sa kanya ang phone ko at mabilis tumalikod, pumasok ako ng kwarto ni Stella, nilock ko ang pinto para hindi sya makapasok.

Napaupo ako habang hawak ang labi ko.

Ayokong magkaroon ulit ng bagong baby, hindi sa ayaw ko sa magiging anak ko ulit, pero 'yun takot ko na mangyari ulit ang ginawa kay Stella.

Baka tuluyan na akong mawala sa sarili kapag nangyari ulit ang bagay na kinakatakot ko.

Gusto kong makasama ngayon si Stella mag-isa. Shopping lang naman ang gagawin namin.

Sinuot ko ang seat belt ni Stella. Buti na lang at wala si Venezio dahil ayaw ko syang sumama.

Pagdating namin ng mall, una kong pinuntahan ang mga dolls para kay Stella pero nagulat na lang ako ng ayaw nya dahil mas gusto nyang kunin ang mga laruan na baril.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now