Kabanata 20

17.1K 348 67
                                    

"D-Dad anong anong ginagawa mo?" akmang lalapit ako kay Venezio ng pigilan nya ako.

Hinuli ng dalawang tao si Venezio at dinala pababa sa bahay.

"Kalaban ang lalaking 'yong, Blare. Hindi na dapat ako nagtiwala ulit sa mga Graves." Kinasa nya ang baril sa harap ko.

"W-what do you mean, Dad?" kumunot ang nuo ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinaplos.

"He's the son of Elthon Lim Graves, ang pumatay sa lolo mo." Nagkaroon ng galit ang boses ni dad.

Nanghina ako. Agad kong inalis ang kamay kong hawak ni dad at umiling.

"Pero kayo naman ang pumatay sa mga magulang ni Venezio." Pumatak ang luha sa mata ko.

Nag iba ang aura ni dad.

"Kinakampihan mo ba sila, Blare? Walang awa nilang pinatay ang lolo mo kaya nararapat din na mamatay silang lahat," sigaw nya.

Umatras ako. Wala akong pake alam.

Kilala si lolo sa pinakamasamang tao sa buong mundo. Maraming nagtatangka sa buhay nya noon.

Hindi sila naging mabuti sa 'kin, lahat ng sinasabi ni lolo dapat kong gawin kahit labag sa loob ko 'yon pero ng mamatay sya nagagawa ko na rin ang ibang gusto ko.

Ang sinabi lang nila sa 'kin noon namatay si lolo dahil sa sakit, hindi kailanman nila sinabi na pinatay pala si lolo.

"A-anong gagawin nyo sa kanya, Dad?"

Huminga sya ng malalim.

"Kagaya ng ginawa ko sa pamilya nya," he smirked.

Umiling ako sabay takbo pababa ng bahay.

"Blare!" tawag ni dad pero hindi ako nakinig.

Hindi ako papayag na mamatay si Venezio, kahit ikapamahak ko wala akong pake alam.

Tumigil ako ng makitang nakaluhod si Venezio habang nakatutok ang baril sa ulo nya.

"V-Venezio!" tuloy tuloy ang pag buhos ng luha ko.

Ngumiti sya habang nakatingin sa 'kin. Lalapit na sana ako ng humarang ang isa sa mga tauhan ni dad.

"Hindi kayo pwedeng lumapit, Young lady."

"Umalis ka sa dinadaanan ko." Itutulak ko na sana sya ng bigla akong hablutin ni dad.

"Blare!" tawag ni Venezio at nagpumilit na makawala sa tatlo.

Naramdaman ko ang baril ni Dad na nakatutok sa tagiliran ko.

Paano nya kayang gawin sa 'kin 'to? Sarili nya akong anak, kung masahol si lolo walang katumbas si Dad.

Pinutok ni Venezio ang baril sa dalawang tauhan, sunod naman ang lalaking humarang sa 'kin

Agad syang napatigil ng napatingin sa 'kin.

"You like my daughter, right?" Kinasa ni dad ang baril at hindi inaalis sa tagiliran ko.

Tiningnan ko si Venezio.

"Wag si Blare, kung gusto nyo akong patayin wag nyong idamay ang anak nyo, Mr. Villarreal." Pinaba ni Venezio ang hawak na baril. Agad syang napaluhod ng may sumipa sa likod nya.

"Venezio," malakas na sigaw ko.

"Shut up, Blare! Dalhin nyo palabas ang anak ko." Lumapit si Cyrus at kuya Part sa 'kin.

Nag-alinlangan na lumapit ang dalawa sa 'kin pero wala silang magawa dahil utos ni dad.

"Dad, p-paano mo nagawa 'to sa sarili mong anak?" tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha ko.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now