Chapter 35

1K 16 1
                                    


CHAPTER 35

Nagising ang diwa ko sa maliliit na ingay sa loob nitong kwarto ko, nanatili lamang akong nakapikit. Hindi ko na ramdam sa tabi ang anak ko.

"Maiwan na muna kita rito, Jared." Boses iyon ni Vanessa, kaya mas lalo akong nakinig sa kung anong pinag uusapan nila.

Bakit nandito siya?

"Thank you." He answered. May mumunting boses pa akong naririnig galing kay Clea, ngunit puro "mi" lamang ito.

"Natatawag na niya pala ang mommy niya?" Mangha nitong tanong. "It's her first word. Cute!"

"Nung unang kita ko narinig magsalita nang kinuha siya ni nanay."

"Sige na. Mag iipon muna ako ng lakas ng loob harapin ang bestfriend ko. I betrayed her. Alam kong galit siya sa akin, pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko."

"Salamat sa pag aalaga sa kanila. I owe you a lot."

"Don't mention that. I did that because of her and baby Clea. Ang gusto kong sukli mula sa'yo ay ang ayusin ang gulo mo kay Cleine at sa pamilya niya." Buo at seryoso ang boses ni Vanessa.

"I will."

Narinig ko ang pagbukas ng pinto, malamang ay lalabas na ang kaibigan ko.

"Ah. Before I forgot. Don't hurt her again, Jared. Kota na siya sa mga ginawa mo. Ako na nakikiusap sa'yo, 'cause if you do hurt my bestfriend again ako na mismo ang makikipag-usap sa pamilya niya malayo lang sila sa'yo."

"That will never happen." Agarang sagot ni Jared saka ko tuluyang narinig ang pagbukas sara nitong pinto.

After hearing that I drifted to sleep again. Pakiramdam ko nabawi ko ang antok ko nang magising ako.

Wala nang tao dito sa loob ng kwarto kundi ako lang. Nakasarado pa rin ang mga kurtina. Malamang nasa kanila na si Clea.

Tumayo ako at pumasok sa shower room, nakakahiyang bumaba na ganito pa rin ang ayos. I am wearing an orange-red side pull bodycon.

Hindi na ako nagtataka ng sumalubong sa akin ang mga magulang ni Jared sa malawak na sala buhat-buhat nila ang anak ko na tumatawa sa mga pangungulit nila. Narito rin ang apat at si maddy pero wala ang kaibigan ko.

Parang gusto kong bumalik sa itaas nang lahat sila ay tumuon sa'kin ng tingin.

"Follow me, Cleine." Sinundan ko ng tingin si Cloud na naglakad sa hallway na papunta sa pool.

"Ate! Parang sumexy ka lalo?!" Dinamba niya ako ng yakap.

"Maddy. I miss you." Natatawang wika ko, ginantihan siya ng yakap.

"Ang tagal din kitang hinagilap!" I pat her hair and turned my eyes to Jared who's eyeing me intently.

"My brother's ogling at you...." Hindi ko na pinansin ang bulong niya at tipid ko na lang na nginitian dahil nilapitan na ako nila Tita Lucia at Tito Robert na karga ang aking anak. Mukhang dito sila natulog.

"Cleine, finally. We've found you. Thank you for bringing my Grandchild to this world."

No... Jared was the one who's always found me. Still I hugged them both. I fought the urge to cry, ayaw ko nang umiyak sa harap nila.

Vince just smile at me while Louie come and put his arm on my shoulder. "Sabi na iba talaga kutob ko kay Jared no'ng una ka pa lang nakita no'n sa birthday ng pinsan mo, eh."

Kunot noong tiningnan ko si Jared na hindi na maidrawing ang mukha. Siniko ko naman itong nakaakbay sa akin. "Puro ka kalokohan."

"Ate, ano pa lang pangalan ni baby?" Maddy suddenly asked.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon