Synopsis

12.6K 202 25
                                    

Plagiarism is a crime!

~•~

SYNOPSIS

"Cleine, hija."

"Nanay? Bakit po?" napalingon ako ng marinig ko ang pagbukas ng aking kwarto.

"Tumawag ang mommy mo." aniya na nagpawala ng aking atensyon sa anak kong natutulog sa aking tabi.

"A-and what did she say?"

"Nagpaabiso na uuwi sila." my forehead creased as I've heard her term na "sila".

"Kasama sina Cloud, Vince at Louie,"

"P-paan–"

"Pati si Jared hija." agad niyang putol na panandaliang nagpahinto sa katinuan ko. Nanginginig akong tumingin sa aking anak.

"N-no way. Hindi pwede nanay," I almost whispered.

I looked at Nanay Linda and saw a glimpse of fear in her eyes.

Miski ako natatakot. Hindi nila ako pwedeng makita dito sa mansyon. Ni hindi nga ako nagparamdam nang umalis ako sa kanila halos 1 yr. and 2 months ago tapos makikita nila ako dito ngayon na may kasamang bata.

"Pero anak, hindi habang buhay mo maitatago sa kanila ang sitwasyon mo."

"Natatakot ako nanay. Natatakot ako na hindi nila ako tanggapin."

"Paanong hindi ka nila matatanggap? Ikaw lang ang nagiisang anak nila. Higit sa lahat si Jared ang ama ni Clea."

"No please! Nay! Wag na wag kang magsasalita sa kanila about sa anak ko."

"1 month na lang at uuwi na sila dito sa mansyon. Saan mo balak pumunta?"

Napaisip ako sa sinabi ni Nanay Linda. Hindi ko alam kung saan pa 'ko pupunta. Pero hindi pwede na makita nila ako. Lalong lalo na si Jared.

Masisira lang ang lahat ng pinaghirapan ko.

Kampante ako sa mga nagdaang araw dahil alam kong isang buwan pa bago sila makauwi ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng biglang humahangos patakbo si Nanay sa aking direksyon.

"Cleine! Bilisan mo kailangan mo nang umalis!" kumunot ang aking noo dahil sa taranta niya. Bigla tuloy pumalahaw ng iyak si Clea.

"Nay what happened?" I asked curiously.

"Nasa gate na ang mommy mo at sila Jared! Aabutan ka nila dito kaya umalis kana. Ako na lang ang bahala sa gamit mo!"

Agad agad naman akong umakyat at kumuha ng maliit na bag. Binihisan ko rin ng jacket si Clea para hindi mahalata ang kanyang mukha.

Tahimik 'kong tinatahak ang likurang pasilyo para doon na dumaan. Malapit na ako sa likurang gate nitong mansyon.

"Who are you?" isang malamig na boses ang nagpahinto sa'kin na lumabas.

Napahigpit ang yakap ko sa aking anak. Pilit na itinatago ang kanyang mukha sa aking dibdib.

Kilalang kilala ko ang may-ari ng boses na iyon.

"Face me or ipapadampot kita sa mga guards. You are trespassing."

Lalong sumikbo ang kaba sa aking dibdib. It can't happen, malalaman nila.

Desidido akong makaalis kaya pilit akong humakbang palabas ngunit sadya yatang pinaglalaruan ako ng may mahigpit na kamay ang pumigil sa'kin at iniharap ako sa kanya.

Malalim akong suminghap ng tuluyan na akong humarap sa kanya. Ang walang emosyon niyang mukha ay unti-unting nagulat ng masilayan ang aking itsura.

"R-ris..." he almost whispered. Parang napapasong binitawan niya ang aking braso at marahang humakbang paatras.

Jared.

Lalong napahigpit ang yakap ko kay Clea dahilan para mapahikbi siya at malikot na gumalaw.

Mula sa aking mukha ay kita ko ang pagbaba ng kanyang tingin sa batang buhat-buhat ko. I saw how his forehead creased. He suddenly stiff and clinched his fist.

Ang kaninang pagkalito sa kanyang mukha ay biglang nawala ng muli niyang iangat sa'kin ang kanyang mga tingin.

Now he looked at me with a blank expression.

Kahit kailan talaga ang galing niyang maglaro at magtago ng nararamdaman.

"Is that my child?" and that stopped me from thinking.

_____

See you on Chap. 1 ❤

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon