Chapter 21

3.6K 96 7
                                    

CHAPTER 21

"Ayaw ko, Jared. Hindi mo ko pwedeng iwan!" Hinakbang ko ang agwat namin at pilit siyang hinaharap sa akin.

"Ris, please. Tama na 'to. Hindi ko na kayang makipaglokohan pa sa'yo."

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at walang emosyong tumitig sa akin.

"Tama na." Lumuluhang umiling ako.

"No, please, Jared. Hindi kita kukulitin. Sasagutin ko mga tawag mo. Please huwag mo lang akong iwan." Halos humagulgol na ako sa kanya para lang bawiin niya ang mga sinabi niya.

"Hindi pwede, Jared..." Ngayon niya pa ako naisipan na iwanan ulit ngayong buntis ako sa kanya!

Kusang nanginig ang mga kamay ko nang bitawan niya ako at mariing umiling.

"Don't come near me, again." He said with finality.

"Ano ba talagang problema, Jared? Ang ayos pa natin nakaraan." Matapang kong wika kahit na nanginginig na ang mga labi ko.

Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya at pag-igting ng kanyang panga.

"I don't know, Ris. I don't want to hurt you anymore. Let's stop this please." and then turned his back on me and walked away.

Sarkastiko akong napabuga sa hangin, marahang tumingala para pigilan muli ang mga luha sa aking mata.

Nang mapayuko ay wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan nang sumakit ito. Ramdam ko ang pagtigil ni Jared sa paglalakad, base sa ayos ng paa niya ay marahan siyang humarap dito at kita ko ang akmang pag-abot niya sa akin. Muli akong nagtaas ng tingin, kuyom ang kanyang kamao habang umiwas ng tingin.

Kumibot ang labi ko nang tuluyan niya akong iwan sa mistulang abandonadong hallway na ito.

"Miss, okay lang po ba kayo?" Nakayukong tumango ako sa babaeng dumaan sa gilid ko.

Dumaan ako sa banyo para makapag isip-isip. Hindi ko alam kung paano ako babalik sa kwartong iyon nang hindi nakikita si Jared. Gusto kong magmakaawa sa kanya para lang hindi niya ako iwan. I would go that low for my baby.

Kinagat ko ng mariin ang pang-ibabang labi ko ng sobra na ang hagulgol ko. Natalsikan pa ang damit ko ng tubig galing sa faucet.

Bakit ganito maglaro ang tadhana? Sobrang daya.

Dalawang oras akong nagpakalma sa banyo bago maglakad pabalik kila Cloud. Sigurado akong hinahanap na ako ni Vanessa.

Bahagya akong yumuyuko kapag may nakakasalubong. Nakakahiya ang itsura ko. May iilang bakat pa ng basa sa damit ko at hindi matanggal ang maga ng mata ko galing sa pag iyak.

I'm sorry, baby. Mommy's crying.

"Cleine! Where the hell did you go? Ang tagal na ni Jared nang makabalik siya. I'm so worried. Patapos na nga sila sa practice nila!"

Sinalubong ako ni Vanessa at sinipat niya ang itsura ko ng hindi ako sumagot sa kanya.

"You cried... Anong nangyari sa damit mo?" Pagod akong umiling at napapikit.

"I'm tired, Van. Let's go home."

Hindi na ako nag-aksaya pang kumatok bagkus ay bigla ko na lang itong binuksan at dumiretso sa lamesa na pinaglalagyan ng gamit ko.

"Tapos na kayo?" Dinig kong tanong ng kaibigan ko na nakasunod sa akin.

"Yes, pauwi na rin kami. Wait, dear cousin? What happened to your dress. Saan ka naligo?"

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon