Chapter 26

3.9K 96 5
                                    

           

CHAPTER 26

"Vanessa!" Bati ko sa aking kaibigan ng makapasok na siya dito sa loob ng bahay.

Tinupad niya nga ang sinabi niya na pupunta siya rito kaso lang nalate ng ilang buwan. Sinakto na kasi niya na isi celebrate namin ang 5 months old na si Baby Clea.

"OMG! Hi Tita Agnes, Tin and my sexy Bestfriend!" Bumeso siya sa aming tatlo. Kinuha ni Kristine ang bagahe niya.

"Hoy, hoy, hoy!" Saway ko nang diretso siyang naglakad sa sala sa kinaroroonan ng crib ni Clea.

Nakatulog kasi ito matapos kuhanan ng maraming litrato na may numerong lima sa gilid.

Halos mahampas ko siya sa braso ng walang sabi-sabing binuhat ito kahit natutulog. Bigla tuloy itong umiyak, pero tumahan din agad nang makahiga sa braso ni Vanessa.

"Napaka mo naman. Anak mo? Anak mo?" Tumawa si Auntie sa amin bago nagpaalam na paghahandaan ng makakain ang bagong dating.

"Bakit parang ang bigat? Sigurado bang 5 months old pa lang 'to?" Gigil na ani niya habang magiliw na inihile ang anak ko.

"Medyo mabigat nga siya kumpara sa normal na limang buwan na bata."

"Namiss ko rito, grabe! Nga pala kamusta ka? Parang ang sexy mo naman lalo?" Kunot noo siyang nakatingin sa akin, pinasadahan ang aking buong katawan.

"Baliw! Syempre nagi exercise ako kapag tulog pa sa umaga si Clea."

Kinuha ko ang baby towel at pinunasan ang laway ni Clea sa balikat ni Vanessa. Tumawa naman ang isa, parang wala lang ang paglalaway sa kanya ng anak ko. Sabagay baby naman at kahit laway nito ay mabango.

"Hi, baby! I'm your beauty-ninang." Pabirong inirapan ko siya ng gumalaw ang bata at nag-angat ng tingin sa kanya.

"Shit! Matang mata ni Jared, ah!"

Binato ko siya ng hawak kong baby towel. "Huwag kang maingay at huwag ka ring magmura sa harap ng anak ko!" Nagpeace sign lang siya sa akin.

"Pero seryoso kuhang kuha niya ang mata at ilong ni Jared pati shape ng mukha."

"Malamang siya 'yong ama, eh. Akin na nga 'yan at kumain ka na muna doon." Akmang kukunin ko na ang bata nang bigla siyang naglakad papasok sa kusina.

"Mang aagaw ng anak!" I shouted.

Nagpahinga lang muna kami pagkatapos makakain ni Vanessa. Inaayos niya rin ang iilang gamit niya. Magi stay kasi siya ng 2 weeks dito bago bumalik sa Manila.

"There's a Mall here, right?" Tumango ako sa tanong ni Vanessa.

"Why?"

"May bibilhin lang sana ako. Sama ka? Dalhin natin si Clea." Ngiting aso siya habang niyayaya ako. Since wala rin naman akong gagawin ay pumayag na lang ako.

Sinama namin si Kristine dahil may dadaanan din daw sa Mall. May nirentahan kaming sasakyan, medyo malayo kasi dito sa lugar namin. Nasa City pa kasi iyon samantalang medyo tagong area ang dito sa amin.

"You really look like a mother, Cleine."

Napairap naman ako sa sinabi niya. "'Cause I am. Sabog ka ba?"

Narinig ko ang halakhak ni Kristine sa may harap. "Kahit kailan talaga 'tong pinsan ko."

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami buti na lang wala masyadong tao ang pumapasok sa entrance.

Nilabas namin ang stroller para may paglagyan si Clea saka pumasok sa loob. Nakasuot naman kami ng cap maliban kay Kristine kaya kampante kami na walang makakakilala sa amin dito. Mahirap na mamaya may makasalubong kami na investors sa company namin o kahit sinong konektado roon.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon