Special Chapter

4.9K 111 25
                                    


SPECIAL CHAPTER (1)

Nagising ako sa kalagitnaan ng madaling araw dahil sa lamig ng kwarto namin. Antok man ay napatayo ako para babaan ang AC ngunit nagtaka ako ng wala akong katabi.

Nasaan kaya 'yon? Alas tres pa lang ng madaling araw.

Pinasadahan ko ang suot ko at hindi na ako nagtaka ng gamit ko ang yellow sweater jacket ni Jared. Labas ang mahaba kong hita dito kaya kunting angat lang ay makikita na ang underwear na suot ko. Sabog din ang buhok ko pero hindi ko na inabalang ayusin pa.

He wouldn't let me naked after we made love in a couple of times. Magigisingan ko na lamang lagi na suot ko ang damit niya o hindi kaya ay nakabikini type ako.

Sinilip ko muna ang anak namin sa baby crib, katabi ng kama namin. Mahimbing itong natutulog kaya hinayaan ko muna.

Sinilip ko ang balcony nitong kwarto at tama nga ang hinala ko na andoon siya. Nakapatong ang kaliwang kamay niya sa railings habang may kausap sa phone.

Sino naman ang kausap niya ng ganitong madaling araw?

Binuksan ko ang glass door na naghaharang dito. Nilingon niya ako at matamis na nginitian, ngunit sinuklian ko siya ng pagtataray.

"God! Baby, come here."

Lumapit ako sa kanya at yumakap sa bewang niya. Nakasandal ang ulo ko sa kanyang dibdib habang pinulupot naman niya ang isang braso sa akin. I put a kiss on his bare tone chest when I felt him kissed my hair.

"Bukas ka na lang ulit tumawag, Cloud. Istorbo ka sa tulog."

Napaangat ang tingin ko nang marinig ang pangalan ng aking pinsan.

"Is that Cloud? I-loud speaker mo."

He did what I say. Saktuhan naman ng pagturn on niya ng loudspeaker ay nagra rant ang walang hiyang pinsan ko.

"Huwag ako, Bro. If I know hindi mo pinapatulog 'yang pinsan ko. Pagpahingahin mo naman."

Napaka balusabas talaga ng bibig nito kahit kailan. Nakakahiyang maging kamag-anak.

"Shut up, Kuya Cloud! Kung problemang babae 'yan huwag ka nang tumawag. It's already 3 in the morning for pete's sake! Jared has a work later."

"Oh! See? Bakit gising pa kayong dalawa? Maghinay-hinay naman kayo. I will tell this to Tito Stan."

"Gago ka, Cloud. Manahimik ka na. Paanong isusumbong, e. kasal na kami?" Natatawang turan ni Jared.

Inirapan ko siya at kinuha ang phone niya sabay patay sa tawag. Magsasalita pa sana si Kuya Cloud ngunit binabaan ko na.

"Malamig dito. Bakit nakaboxer shorts ka lang?" Paos ang boses kong tanong.

"Lets get inside, baby. Cleatrine might wake up."

Nauna siyang nahiga sa kama pagkatapos patakan ng halik sa noo ang anak namin. Inabot niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Bumagsak ako sa ibabaw niya.

Hindi ko gusto ang ngisi ng isang 'to. Mukhang may binabalak.

Haplos haplos niya ang dalawang legs ko na nakaexposed dahil naka upo ako sa nakahigang katawan niya. Umiinit ang pakiramdam ko sa ginagawa niya.

"Why did you wake up, hmm?"

"Ang lamig. Hindi mo man lang tinaasan ang aircon!"

Lagi ko kasi sa kanyang pinapaalala na huwag niyang palakasan dahil ang lamig.

Ngumisi siya sa akin, umangat ang isang kamay niya patungo sa aking manipis na tiyan.

"Kaninang may ginagawa tayo hindi mo pansin ang lamig?" Makahulugang tanong niya na inirapan ko.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon