Chapter 18

3.5K 88 18
                                    


CHAPTER 18

Huling araw na namin ngayon. Mamayang hapon lang ay babyahe na kami pauwi sa Manila kaya iikutin na lang namin ang Isla kung hanggang saan kami abutin ng oras.

"Tara na. Lubusin na natin 'to oh!" Masiglang 'aya ni Vanessa at nauna sa labas kasunod ni Vince.

"Mauna na kayo. Kakausapin ko lang si Cleine." ani ni Cloud at tiningnan ako. Sumenyas din ako kay Jared na kanina pa nakatitig sa akin.

"May nabanggit ba si Tito sa'yo bago tayo umalis papunta rito?" Panimula niya. Umiling naman ako.

"Wala pero si Jared may nabanggit." Casual kong sambit.

May nabanggit si Jared sa akin pagkatapos naming mag-usap nakaraang gabi.

______

"We're going to be busy after this." he started habang nakayakap sa akin sa ilalim ng kumot na nakatakip sa hubad naming katawan. Nakaunan naman ako sa braso niya.

"Me too. Hindi ba't tutulungan niyo ako sa training?" Nagtataka naman akong nag-angat ng tingin sa kanya nang makitang umiling siya.

"Your Dad didn't tell you?" he looked down at me.

"Tell me what?"

"Iba na ang naka assign na magti training sa'yo. Itutuloy namin ang planong pagbuo ng Banda pag uwi."

"Ohh. So that's what you really planned to do?" Tumango siya at inabot ang noo ko para patakan ng halik. "But you can still count on us. If you need some help."

"No. Busy na kayo no'n. Malamang wala ka na rin sa building ni Dad."

"Babalik ako sa company namin, lets just call." ngumisi siya at kinubabawan ulit ako.

____

"Alam mo na pala." Tumatango-tangong sagot ni Cloud nang sinabi ko ang nalalaman ko. Ayon pala ang plano nila kaya sabay-sabay nag-undergo ng training. Mauutak.

"Wala namang kaso sa akin, Kuya. Isa pa hindi niyo naman ako kargada lagi. May nakaready na rin naman pala na magti training sa akin." Kibit balikat ko.

He tapped my shoulder. "We're sorry, baby girl. Hindi ko tuloy makikita kung paano ka pahirapan doon." he then chuckled. "Bibisitahin na lang kita kapag may mga libreng oras at tutulong din."

Tipid akong tumango at nagyaya nang lumabas.

"Jared look at me." Sabay pindot ko ng camera pagkaharap niya sa akin.

Seryoso ang mukha niya rito pero napaka gwapo pa rin. Ngumiti siya at hinila na ako palakad sa kabilang bahagi nitong Isla.

Humiwalay na kasi kami pagkatapos namin magpakuha ng litrato na anim. May kinakausap din naman si Cloud na babae sa di kalayuan sa amin. Kaya nagsolo na lang kami ni Jared.

"Gusto ko uminom ng buko juice." Hinila ko siya sa isang store na nag offer ng drinks and food na gawa sa buko.

Tumingin ako sa menu sa may counter area para pumili ng makakain.

"What's yours ma'am?" nakangiting tanong sa akin nang babae.

Tatanungin ko sana si Jared ngunit paglingon ko ay nakatayo siya sa harap ng table malapit sa entrance habang kinakausap ang dalawang babae na naka-upo roon.

"Uhm. Saglit lang miss ha."

Pagkalapit ko sa kanya ay agad kong ipinulupot ang aking kamay sa kanyang bewang at nakangusong tumingin sa kanya.

Ohmygod, self! What am I doing?!

"I'm hungry, love." Puno ng lambing ang boses ko.

Napayakap siya sa akin at marahang tumawa.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon