Chapter 24

3.6K 104 5
                                    

CHAPTER 24

"Cleine, hija. May mga prutas dito ha. Magwawalis lang muna ako sa may labas ng gate." Auntie Agnes said, I nodded in response.

Four months had passed and it's already my 8 months of pregnancy. Next month na ang due date ko kaya nasa loob lang ako ng bahay.

Parang nakaraang araw lang 'yong pagpunta ko rito. Sobrang bait naman nitong si Auntie Agnes at welcome na welcome ako sa bahay nila.

Sariwa din ang hangin dito sa Negros, stress free environment nga. Balak ko sana magwalis-walis din kaso hindi na niya ako pinayagan dahil nga malaki na ang aking tiyan.

Tumayo ako at lumakad-lakad muna sa may loob ng gate. Two storey house ito at medyo malaki din ang sakop ng bakal na gate nila.

May isang anak na babae si Auntie Agnes at nagtatrabaho as manger sa isang hotel sa may City kaya kami lang ang madalas maiwan dito.

"Cleine! Tumatawag sa akin si Vanessa." then handed me the phone, but it was already answered.

"What's up?" I heard her giggling.

[Your voice sounds throaty. How are you? I'll be there next month, due date.]

I don't know why, but it seems like she was more excited for the baby's come out than me.

"Pakiramdam ko talaga ikaw ang manganganak, eh. Huwag mo nga akong ipressure masakit umire, ha."

Pagkatapos ng ilang minutong biruan at kamustahan ay binaba ko na ang tawag saka bumalik sa loob.

Nahihirapan na rin akong tumayo ng matagal at maglakad dahil masakit na sa likod at balakang. Hindi naman kambal ang dinadala ko pero mabigat siya.

"Maupo ka muna diyan. Maghahain lang ako ng hapunan."

Napalingon ako sa nagbukas ng pinto. Agad akong ngumiti nang makita si Kristine ang pinsan nila Vanessa.

"Hi! Sakto ka sa dinner time."

Umupo siya sa aking tabi habang nagtatanggal ng heels.

"Talaga? Buti naman, gutom na ako, eh. Nga pala hindi na ba masyadong magalaw si baby?" Tukoy niya sa aking tiyan.

"Medyo hindi na, tulog 'ata siya ngayon at hindi masipa mula kaninang tanghali."

Tumango naman siya at excited na nagbukas ng TV.

"May ipapalabas ngayon na music video ng Zephyrus Band! Ang gwapo ng mga members!"

Kumunot ang noo ko. Familiar ang pangalan na iyon. Ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita sila. Ang apat.

I pursed my lips and looked at them, intently. Sobrang miss ko na sila makasama. Miss ko na ang pangbi-baby ni Kuya Cloud at mga pang aasar nila. Ganun pa man ay mas pipiliin ko pa ring tumira rito para lumagay sa tahimik. Masyadong magulo ang mundong pinasok nila.

Kinapa ko ang dibdib ko. Wala akong kahit na anong pagsisisi na nararamdaman. Kahit noon pa man lahat ng mga bagay na ginagawa ko ay gusto kong hindi pinagsisisihan.

May mga mali man akong nagawa I take it as a lesson. All of those experiences I had. After all, It's all worth it. All the hardships I've been through are nothing compared to my baby who's about to come out next month.

I heard Kristine screaming when the group started to sing. "Grabe talaga 'tong pinsan ko, hindi man lang pinakilala sa akin 'yong mga kasama niya!"

"Gwapo ba?" Asar ko pero ang mga mata ay nakatutok lang sa isang tao, kay Jared.

"Oo naman! Lalo na 'yang may hawak ng gitara at kumakanta!" The teasing smile I wore faded. She's referring to my ex 'deal'.

"Kilala mo sila diba? Kasi kaibigan mo si Vanessa." Alanganin akong tumango. "Kapag bumisita ako sa Manila. Ipakilala niyo naman ako! I'm sure maiinggit mga katrabaho ko." Nginitian ko lang siya bilang ganti.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon